Online seller, binahagi kung paano umabot ng milyon ang kinikita niya sa isang buwan
- Ikinuwento ng isang online seller kung paano niya napalago nang husto ang kanyang negosyo
- Nagsimula lamang siya sa puhunan na ₱4,000 hanggang sa lumago ito nang lumago
- Sa ngayon, wala siyang ibang pinagkakakitaan kundi ang live online selling na patok na patok sa ating mga Pinoy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng isang sikat na live online seller na si Madel Delos Santos kung paano umabot ng milyon ang kanyang kinikita sa ganitong klase ng negosyo.
Sa panayam sa kanya ni Atom Araullo ng programang I-Witness, ipinakita ni Madel o mas kilala bilang "Ledam" sa kanyang mga online followers ang katas ng kanyang negosyo sa San Jose Del Monte Bulacan.
Magarang bahay, ilang kotse at magagandang gamit ang ibinida ni Ledam na lahat ay mula sa kanyang kinikita sa pag-FB live ng kanyang mga paninda.
Dating nagtrabaho sa Japan si Ledam hanggang sa magka-asawa at anak.
Habang inaalagaan ang noon pang baby na anak, naisip niya na gawing puhunan ang ₱4,000 para magsimula ng online business.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Sinuwerte si Ledam hanggang sa dumami na ang mga produkto na kanyang ibinebenta.
Nang magkaroon na ng Facebook Live, doon nagsimula ang live selling.
Naikwento niyang umabot sa isang milyon ang minsan niyang kinita sa pagbebenta, live sa kanyang Facebook.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Mula kasi sa mga mamahaling bag at alahas, mabilis niya raw itong naibebenta kung nakakausap niya mismo ang kanyang mamimili.
Sa ganda ng takbo ng kanyang negosyo, napahinto na ng trabaho ang kanyang mister upang tulungan na rin siya sa kanilang kompanya lalo pa at mayroon din silang pinagkukunan ng produkto sa Japan.
Si Ledam ay isa sa mga maswerteng Pinay na dahil sa sipag at diskarte sa buhay, nagbunga ng maganda ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!
Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh