Grab driver, ibinahagi ang tungkol sa nakakakilabot na ika-6 niyang pasahero

Grab driver, ibinahagi ang tungkol sa nakakakilabot na ika-6 niyang pasahero

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang nakakakilabot na karanasan bilang Grab driver

- Nagbigay kilabot sa marami ang kwento nito tungkol sa ika-anim na pasaherong naisakay nito

- Sabi pa nito, maging ang isang guwardiya na kanyang nakausap ay nagpatunay na mayroon ngang nakakakilabot na nangyayari sa lugar na kanyang pinaghatiran

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos alas dose na raw ng madaling araw nang mayroong mag-book sa Grab driver na si Louie Simbria Reyes .

"Grab Driver ako ngayon. 11:44PM may pick up ako sa BGC TAGUIG. ang type ng booking ay 6 Seater. Sumatotal lagpas sila sa tatlo or apat. Okay pinuntahan ko ang pick up location."

Sabi pa nito, sigurado siyang anim na babaeng pasahero ang kanyang naisakay dahil siya mismo ang nag-ayos ng upuan ng mga ito sa kanyang sasakyan.

Habang nasa daan na, bigla na lamang daw tumahimik ang kanyang mga sakay mula sa maingay na kwentuhan.

Naisip na lamang daw niya na maaaring napagod ang mga ito mula sa gimik.

Nang makarating sa dormitoryo kung saan nagpahatid ang mga pasahero ni Reyes, nag-log daw sila sa guwardiya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang makababa na raw ang kanyang mga pasahero ay laking pagtataka niya na lima lang ang bumaba mula sa sasakyan. Sinabi pa raw ng mga ito na mag-ingat siya sa kanyang pag-uwi.

"Nung nasa bandang kalagitnaan nako nung daan palabas. Sinubukan ko suotin yung (HABAK) na gabay galing sa isang kaibigan.

"Walang masamang maniwala sa kakayanan nun. Mas lalo akong kinilabutan dahil uminit yung (HABAK) base sa paliwanag saken na kapag uminit yun may kakaiba sa paligid. Sabayan Pa ng biglang bumigat yung batok ko sobra. Parang may naka dagan. Putcha dina normal sabi ko." anito.

Naluha raw talaga ito nang pagtingin niya sa salamin ay may babaeng naksakay sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Nung napatingin ako sa likod gamit salamin. Maluha luha ako. May sakay pako na isang BABAE sa pinaka likod. Harurot ako sabay busina. Dalawang beses ko tinanaw, dalawang beses ko nakita. Pero walang mukha."

Nang makarating siya sa pwesto ng guwardiya, agad niyang kinumpirma kung ilan ang nai-log nito noong pumasok sila at sinabi nito na anim sila kasama na siya na driver.

"Sagot ko sir may sumasama saken Pa labas dito. Sabay sabi ng Guard. Hindi na bago yan dito. Marami ng ganyang kwento dito. Dahil bagi to maging Dormitoryo ay dati tong SEMENTERYO. "

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel