Babae, pinatay ang asawa pero di kinulong dahil kasalanan daw ito ng biktima

Babae, pinatay ang asawa pero di kinulong dahil kasalanan daw ito ng biktima

- Naging usap-usapan ang paglaya ng dapat ay habambuhay na makukulong na si Sally Challen

- Napaslang niya ang kanyang mister gamit ang martilyo na di inaasahan ng marami na kanyang magagawa

- Taong 2015 nang maituring na isang criminal offense na ang coercive control o ang psychological torture sa isang tao na siyang naging dahilan upang makalaya si Sally

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagaman at masasabing isang kriminal si Sally Challen, napawalang sala pa rin ito sa pagpaslang sa kanyang mister na si Richard gamit ang martilyo.

Ayon sa ulat ni Julie Bindel ng Dail Mail, habambuhay na pagkakakulong sana ang sintensya sa krimen na nagawa ni Sally.

Ngunit dahil sa naituring na pagkakasala sa batas ang coercive control na nangyayari madalas sa magkakarelasyon, pinag-aralang mabuti ng korte ang pagpapababa ng sintensya kay Sally.

Taong 2010 nang maganap ang krimen. Ito ay ang panahon na binigyan na lamang ni Sally nang pagkakataon pa na mabuo ang kanyang pamilya.

Sa simula pa lamang kasi ng relasyon nila ng kanyang asawa noong 1979, tila nakikita na niya ang mga senyales ng pag-kontrol nito sa kanya.

Magkasintahan pa lamang sila noon nang inudyok na siya ni Richard na ipalaglag sana ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang sila naman ay ikasal, nararamdaman ni Sally ang kawalan niya ng kalayaan sa kabila ng pagiging matagumpay niya sa kanyang larangan bilang office manager ng Police Federation sa United Kingdom.

Aminado naman siyang nabulag kasi siya noon sa pag-ibig dahil na rin sa karisma ni Richard na isang luxury car salesman.

Dahil dito, naging marangya naman ang kanilang pamumuhay at maayos ding lumaki ang kanilang mga anak.

Ngunit ang masaklap, unti-unti na palang namamatay ang kalooban ni Sally. Bago pa lamang silang kasal noon nang matuklasan niya ang pambababae ng mister.

Ngunit nang sinubukan niya itong kastiguhin, tinakot lamang siya nito na iiwan sila ng kanilang mga anak.

Dala ng kabataan, nagwala si Sally at ang naging resulta, kinaladkad siya ng asawa sa kalsada at itinapong parang basura.

Hindi lamang ito, matindi rin ang pang-aabusong sekswal sa kanya ng mister na nagagawa pa siyang ipahiya sa harap ng mga kaibigan nito.

Patuloy pa rin ang pambabae ni Richard at ang nakakakilabot pa sa nangyayari, minamanipula ni ito ang isip ni Sally at pinalalabas na nag-iilusyon lamang ang misis sa mga natutuklasan nito sa kanya.

Dumating sa punto na inakala nga ni Sally na siya ang may problema sa pag-iisip at siya lamang ang nag-iisip nito sa kanyang mister.

Ngunit dala ng matinding paninindigan sa sarili, alam ni Sally na di siya nagkakamali sa mga hinala niya sa mister.

(video coutesy: ITV news)

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabila ng lahat ng ito, nanatili siya sa piling nito para lang mabuo ang kanilang pamilya.

Hanggang sa mahuli at makita mismo ng sarili niyang mga mata ang garapalang panloloko sa kanya ni Richard.

Matinding komprontasyon ang naganap ng gabing iyon dahil sa tagal ng panahong ito'y kanyang tiniis, sinubukan pa rin ni Richard na kumbinsihin si Sally tila nawawala na ito sa sarili sa pag-iisip na may babae nga ang mister.

Siyam na taon ang nilagi ni Sally sa kasalanang magmumulat pala sa maraming tulad niya na nakararanas ng psychological torture ng kani-kanilang mga asawa.

(video courtesy: ITV news)

At ngayong siya ay nakalaya na, masasabi niyang mahal pa rin niya ang mister at sana'y di na lamang niya nagawa ang krimen.

Ayon sa Cosmopolitan ang coercive control ay makikita sa iba't ibang paraan tulad ng kawalan ng kalayaan ng isang karelasyon, pamamahiya at tila pambubully sa kanila ng kanila mismong partner sa ibang tao, pananakot at maging ang paghawak o pagkuha ng cellphone nang labag sa kalooban nito at marami pang iba.

Maging aral sana ito lalo na sa mga kababaihan na nakararanas ng ganitong pang-aabuso. Masasabing mas masakit pa ito sa pag-aabusong pisikal dahil mismong isip at damdamin nito ang apektado.

Huwag na sana itong humantong pa sa tulad ng nagawa ni Sally. Humingi na agad ng tulong upang maisalba pa ang inyong sarili gayundin ang inyong mga mahal sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica