Nagsisisi raw siya! Lalaking nanakit sa Grab driver, umaasa ng areglo

Nagsisisi raw siya! Lalaking nanakit sa Grab driver, umaasa ng areglo

- Umani ng matinding reaksiyon mula sa netizens ang video ng pang-aapi ng lalaki at iba pang kasamahan sa isang Grab driver

- Ito ay matapos igiit ng driver ang patakaran ng Grab tungkol sa pagkuha ng pasahero

- Nagsisisi naman daw ang lalaki na kasalukuyang nakapiit, ngunit, iginiit niyang hndi siya ang nag-umpisa ng gulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasalukuyang nakapiit si Jan Jervi Mercado at ang girlfriend nitong si Rhea Sangil. Sila ang mga tao sa viral video ng pag-atake sa Grab driver na si Reynaldo Tugade. Nangyari ang pananakit sa Barangay Del Monte, Quezon City noong Lunes.

Gayunpaman, ayon kay Mercado, si Tugade ang nagsimula ng away. Nagalit lamang daw siya dahil tinulak siya ng Grab driver. Dagdag pa niya, dinuro at minura ni Tugade ang kanilang grupo.

"Prinovoke niya lang din ako na suntukin ko siya e," giit ni Mercado.

"Pinagduduro niya [ko] tapos pinagmumura niya yung mga kapatid ko, tsaka yung sasakay sa kaniya na mga babae, tiyahin ko, kaibigan ng girlfriend ko tsaka girlfriend ko."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero itinanggi ito ni Tugade at sinungaling anya si Mercado.

Ayon sa ulat ng GMA news, pinagsisihan na umano ni Mercado ang nagawa niya.

"Hindi ko naman pinagmamalaki yun sir, pinagsisisihan ko din naman yun, kaya nga nandito ako ngayon sa loob e. Una pa lang mapagkumbaba na, moral lesson, yun lang sir."

Gayunpaman, nanindigan ang Grab driver na hindi siya magpapaareglo sa kampo ng mga nanakit sa kanya.

"Huwag na niya akong aregluhin para ano, kasi 'pag nagsalita siya ng areglo-areglo, sisingilin kita nang hindi mo kayang bayaran."

Sa viral video ay mapapanood ang pag-atake ng dalawa sa driver dahil hindi nito pinayagan ang pagsakay ng isang bata.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Iginiit ni Tugade ang polisiya ng Grab sa passenger limit na ikinagalit ng kampo ni Mercado.

Inireklamo ni Tugade sina Mercado at Sangil ng physical injuries at malicious mischief.

Bilang pagsunod sa pamantayan sa kaligtasan ng mga car manufacturers, ang Grab Cars ay maaari lamang tumanggap ng hanggang sa 4 na pasahero, panglima sa bilang ang driver.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money | HumanMeter

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone! Check out this clip filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate