Misis, ibinalandra si kabit kay Tulfo; resbak ni mister, ikinawindang ni kabit

Misis, ibinalandra si kabit kay Tulfo; resbak ni mister, ikinawindang ni kabit

- Gusto na raw tuluyang makipaghiwalay ng ginang sa kanyang mister kaya humingi ito ng tulong kay Raffy Tulfo kasama ang bago nitong BF

- Ayon naman sa mister ng ginang, okay lang daw sa kanya na makipaghiwalay dito

- Habang ang nobyo naman ni misis ay tila nagdalawang-isip dahil sa mga ibinulgar ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nawindang si Raffy Tulfo sa reklamo ng isang ginang na nakikipaghiwalay sa kanyang mister, kasama pa ang kanyang kabit!

Ayon kay Lovely Fragata, isang OFW, gusto na niyang maayos silang maghiwalay ng kanyang mister na si Roberto Fragata.

Masaya na raw kasi siya sa piling ng kanyang kabit na si Henry Andres, isa ring OFW.

Dito raw naranasan ng ginang ang kaligayahan na hindi niya nakuha mula sa kanyang mister sa loob ng 10 taon nilang pagsasama.

Bukod kasi sa pagkukulang ni mister sa pinansiyal na aspeto, kulang din daw sa lambing ang mister na hindi raw alam kahit ang kanyang kaarawan.

Sagot naman ni mister, ayos lang na makipaghiwalay sa kanya ang misis.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Inakusahan pa nitong hindi matinong babae si Lovely at marami umanong naging lalaki sa kanilang bayan.

Si Henry naman ay tila naguluhan dahil sa mga ibinulgar ni mister tungkol kay Lovely.

Itinanggi rin nito na alam niya na kasal na ito at ang pagkakaalam daw niya ay matagal nang hiwalay.

Pero sabi ni misis, inamin daw niya kay Henry na siya ay maraming nobyo sa Facebook at sinabi pa raw ng ginang na ito ay isa lamang sa kanyang koleksyon.

Pinangaralan naman ni idol Raffy ang tatlo kaugnay ng kani-kanilang pagkukulang at kasalanan.

Sa huli, nagkasundo na lamang ang mag-asawang Lovely at Roberto na tuluyan nang maghiwalay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Useful Tips: How To Save Money

Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel