"Baklang hamburger" comment ni Ricky Reyes kaugnay ng SOGIE bill, viral
- Pinag-uusapan at pinagdedebatihan ngayon ang naging komento ni Ricky Reyes tungkol sa SOGIE bill
- Marami ang hinangaan ang kanyang naging pahayag ngunit marami rin ang bumatikos sa kanya
- Mainit na isyu sa bansa ngayon ang nasabing bill pagkaraang ma-discriminate ang isang transwoman sa paggamit ng CR para sa mga kababaihan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Umingay ang social media dahil sa naging pahayag ng entrepreneur at sikat na salon owner na Mother Ricky Reyes kaugnay ng isyu ng SOGIE bill.
Nang tanungin ng press si Reyes kaugnay ng mainit na pinagdedebatihang isyu ng pagpasa sa nasabing bill, tumatak sa madla ang naging sagot nito.
“Let it be nalang… ang bakla ay bakla… gilingin mo man yan paglabas niyan ay baklang hamburger,” anito.
Iba-iba naman ang reaksyon at pagtanggap rito ng publiko. Marami ang sumang-ayon kay Reyes ngunit marami rin ang bumatikos dito.
Ganunpaman, tila tumatak sa mga netizens ang "baklang hamburger" na komento ni Mother.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Sa panayam kay Reyes sinabi pa nito na nilikom daw niya ang ilang miyembro ng LGBTQ para himukin na tumulong sa iba upang mahalin at tanggapin ng lipunan.
“Tigilan na yang kabaklaan… wag na kayong magbistida sa kalye kasi lalo tayong pagtatawanan ng mga tao… dapat magtulong nalang tayo sa kapwa para mahalin tayo ng tao,” anito.
“Lagi kong sinasabi, ang bakla walang makakaintindi kundi kapwa bakla lang,” dagdag pa nito.
Natanong rin ito tungkol sa isyu ng paggamit ng comfort rooms kasunod ng nag-viral na video ni Gretchen Diez kung saan na-discriminate ito sa paggamit ng CR para sa mga kababaihan na naging dahilan pa para iposas ito at arestuhin.
“Lumugar tayo sa tamang lugar… kung ikaw ay babaeng babae at hindi ka mabubuking edi lumusot ka [sa banyo ng pambabae] diba? Kung hindi ka makakalusot anong problema mo?” ani Reyes.
Si Ricky Reyes o mas kilala bilang Mother Ricky ay isang Filipino hairdresser, philanthropist and businessman.
Siya ang may-ari ng Ricky Reyes chain of salons.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Samantala, sa isa pang ulat ng , sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang isertipika ang SOGIE bill bilang urgent.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Useful Tips: How To Save Money
Filipinos share their tricks on saving money. And some of those are priceless. How do you save money? Share in the comments to the video. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh