9-anyos na batang lalaki, naduling dahil sa sobrang paggamit ng cellphone

9-anyos na batang lalaki, naduling dahil sa sobrang paggamit ng cellphone

-Dahil sa sobrang paggamit ng cellphone, isang bata sa China ang naduling

-Ayon sa doktor, hindi sigurado kung makakarecover pa ang mga mata ng bata

-Sabi ng tatay ng bata, sa halip kasi na maglaro ito at lumabas ay mas pinili pa nito ang magcellphone sa hindi bababa sa 10 oras kada araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang siyam na taong gulang na bata sa Hefei, China ang naduling dahil sa labis na paggamit ng cellphone ayon sa mga doktor.

Ayon sa tatay ng bata, sa halip daw kasi na maglaro sa labas ito noong summer vacation ay mas pinili nito na magbabad lamang sa cellphone.

Sabi pa nito base sa isang video na in-upload noong August 24 at kumalat sa mga local news outlet, hindi bababa sa 10 oras kada araw kung gumamit ito ng gadget.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ayon sa ulat ng Asia One, nagagawa pa raw tumakas ng bata sa kanyang ama para lamang makagamit ng cellphone.

Huli na nang mapagtanto ng tatay nito na malala na ang lagay ng anak.

Nang dalhin ito sa ispital, sinabi pa raw ng doktor na hindi sigurado kung babalik pa sa normal ang mga mata nito.

Inirekomenda pa raw ng doktor an huwag munang gumamit ng gadget ang bata sa loob ng talong buwan hanggang isang taon.

Kapag hindi bumalik sa normal ang mata ng bata ay kinakailangan na raw na sumailalim ito sa corrective eye surgery.

Muli namang nagbabala ang mga doktor sa mga magulang kaugnay ng insidente.

Hindi pa raw kasi ganoon kalakas ang mga mata ng mga bata para magbabad ng matagal sa mga screens ng gadgets.

At base sa mga ulat, dahil rin daw sa maliit na distansiya kapag nakatitig sa screen, may posibilidad raw talaga na maduling ang mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Should Trans Women Be Allowed In Women's Restrooms?

We are asking Filipino people what they think about a highly discussed issue in the country. Some think trans women should go to men's restrooms because they were born males. The others consider it total disrespect towards trans women who are deprived of their basic human rights when forced to use men's restrooms. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone