Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M

- Tumutok ang maraming netizens sa kuwento ni Cheryl Bartina na niloko at ini-scam ng mismong kaibigan niya

- Sa laki ng nakuhang pera sa kanya nito ay talagang matindi ang galit at hinanakit niya rito

- Nagmakaawa at lumuhod si scammer kay Cheryl sa kanilang muling pagkikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-usapan at nag-viral ang Part 1 hanggang Part 3 ng kuwento ng OFW sa Hong Kong na si Cheryl Bartina matapos niyang ireklamo sa programa ng 'Raffy Tulfo in Action' ang kaibigan niyang si Renerose Ogayre.

Sa Part 1 ay inilahad ni Cheryl kung paano nagpanggap bilang lalaki si Renerose para pa-ibigin siya at kalaunan ay pinadalhan niya ng mga mamahaling gamit, gadgets, at pera.

Umabot pa sa puntong ikakasal na dapat sila at nagpadala pa ng wedding ring si Cheryl kay Renerose.

Nakapagpadala rin si Cheryl ng mga maseselang larawan kay Renerose na ginamit din nito upang ipang-blackmail sa kanya.

Sa Part 2-3 naman ay lumitaw pa ang isang lalaki na nagpapatunay sa mga panloloko ni Renerose kay Cheryl.

Sa huling episode, nalaman ng KAMI na muling nagharap ang dalawang panig sa barangay at dito ay nangako si Renerose na magbabayad ng 10,000 pesos kada buwan hanggang mabayaran niya ang kabuuan ng nakuha niyang pera kay Cheryl.

Lumuhod at nagmakaawa pa si ate sa harapan ni Cheryl pero kitang-kita ang labis na sakit na dinulot niya rito at aminado siya na hindi pa niya ito kayang patawarin.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanilang huling episode. Marami ang talaga namang naawa sa tatay ni Renerose.

"may pa “te, te” pang nalalaman, kapal ng mukha. kagigil"
"Kakaawa ung itsura ng tatay nia.. Wala xang kaalam Alam sa gnwa Ng anak nia sobrang kahihiyan.."
"My heart goes to the father, Hindi mo na binigyan ng kahihiyan,wla sya magawa dhil ikaw ang mali."
"Hahahahahaha binenta niya lhat yung ibang gamit na nawawala for sure! Lesson learned : lalo na yung mga OFW jan, wag agad magtiwala kase nagkalat na ang manloloko ngaun. Para sa pera, gagawin lahat. Kapaaaal."
"Its not just a money or anything, but the feeling of the victim involved,the feeling na akala mo ikakasal kna tpos poser LNG pala"
"Sinayang mo ang friendship niyo. Ang hirap kaya ng trabaho namin bilang OFW. Ingat next time"
"Sigurado di niya pinamigay yun baka BINENTA ONLINE.. naaawa si ate OFW pero hindi pa talaga humuhupa galit niya. Naiinis din siya sa scammer kasi iiyak iyak na parang biktima kaya parang nag alab talaga galit niya."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, kalbaryo ang naging buhay ni ate sa piling ni kuya at pinagbantaan pa na ipapa-SOCO siya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, we asked people to recall and recite the Patriotic Oath! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel