Gretchen Diez, tutol sa panukalang pagpapatayo ng palikuran para sa LGBT community

Gretchen Diez, tutol sa panukalang pagpapatayo ng palikuran para sa LGBT community

- Isa sa mainit na usapin ngayon ay ang viral na isyu tungkol sa dinanas ng isang transgender woman sa palikuran ng isang mall

- Naging mitsa ito ng pagpoprotesta lalo na ng mga kabilang sa LGBT community

- Sa gitna ng mainit na talakayan ay tinutulan ni Gretchen Diez ang panukalang pagpapatayo ng sariling palikuran para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mariing tinutulan ng transgender woman na si Gretchen Diez ang panukalang pagpapatayo ng palikuran para sa kagaya niyang kabilang sa LGBT community.

Sa isang press briefing ay sinabi ni Diez na equality rights ang ipinaglalaban ng LGBT community at hindi pagpapatayo ng palikuran para sa kanila.

Dagdag pa niya ang pagpapatayo ng palikuran para sa mga miyembro ng LGBT community ay hindi makakatulong upang mawakasan ang diskriminasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang nag viral ang live video ni Diez sa Farmers’ Plaza Mall. Napagpasiyahan niyang lumantad upang tuluyan nang mawakasan ang diumano'y paghihirap na nararanasan ng mga miyembro ng LGBT.

Inireklamo ni Diez sa Quezon City Legal Department ang Araneta Center Inc., Starling Security Agency at ang sanitation service na kinabibilangan ng janitress na sumita sa kanya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ang acronym na LGBT ay mula sa mga salitang lesbian, gay, bi, and transgender. Ipinagdiriwang ang pride month tuwing buwan ng Hunyo para sa LGBTQ community.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard | HumanMeter

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? Check out Human Meter's newest video. Click the play button and recite along to check if you can still recall the "Panatang Makabayan."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate