Babaeng nanuntok at nambastos ng mga pulis, haharap sa patong-patong na kaso
- Matapos ang mainit na engkwentro ng isang babae laban sa ilang mga pulis, haharap naman ang una sa patong-patong na kaso
- Ayon sa report, nagwala ang babae sa isang restaurant na naging dahilan para tumawag ng mga pulis ang mga tauhan doon
- Napag-alaman din na lasing ang babae nang mga oras na iyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Haharap sa patong-patong na mga kaso ang babaeng nag-viral matapos ang mainit na engkwentro laban sa ilang alagad ng batas.
Una nang naiulat ng KAMI ang kumalat na video nito kung saan minura, sinuntok, sinigawan at ininsulto nito ang mga pulis sa Las Piñas.
Napag-alaman naman na nakainom ang babae ng mga oras na iyon, base sa ulat ng GMA News.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Ayon pa sa report, nagwala pala ang babae sa isang restaurant na naging dahilan para tumawag ng mga pulis ang mga tauhan doon.
Sabi ng babae, tinakot umano siya ng pulis na kinilalang si Patrolman John Rudolf Adapon, na siya ring pulis na sinuntok nito sa video.
"Nasa gitna sana kami para maayos yung ano. Eh, kaso nasuntok nga ako ni ma'am," ayon sa pulis.
Ngunit nang dadakpin na ito ay nauwi nga ito sa gulo na nakuhanan ng video ng netizen na si Charlie Siro Tri.
Tikom naman ang babae at tumanggi nang magbigay ng pahayag.
Hindi naman ito pinalagpas ni NCRPO chief Police Major Guillermo Eleazar at sinabing hindi dapat balewalain ang pananakit sa isang alagad ng batas.
Maraming netizens ang hindi natuwa sa insidente at nagbigay ng mga negatibong komento sa babae sa viral video.
Mabilis na kumalat ang naturang videos sa social media at umabot na sa mahigit dalawang milyon ang views nito.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI
Source: KAMI.com.gh