Judy Ann Santos, ibinahagi ang shopping rule para sa mga anak

Judy Ann Santos, ibinahagi ang shopping rule para sa mga anak

- Ibinahagi ni Judy Ann Santos na hindi mahalaga para sa kaniyang mga anak kung mahal ang isang bagay

- Naturuan nilang mag-asawang maging masinop at matipid ang kanilang mga anak kahit pa may kaya sila sa buhay

- Dagdag pa ni Juday, hindi materialistic ang kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala si Judy Ann Santos bilang isa sa pinakamatagumpay hindi lang sa larangan ng showbiz career kundi sa personal na buhay. Maraming naipundar ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo mula sa kanilang kita sa showbiz.

Gayunpaman, ayon kay Juday, pinipili niyang panatilihing simple ang kanilang pamumuhay.

"Doon sila sa mura," diin niya.

Bukod sa pagiging aktibo sa showbiz, si Juday ay mayroon ding kanilang restaurant na Angrydobo.

Sa kabila ng estado ng kanilang pamumuhay, mas pinipili ng mag-asawa na turuang maging masinop ang kanilang mga anak.

"They're not materialistic people, e. Basta nagustuhan nila ang isang bagay, regardless kung mura o mahal, doon sila sa mura," paliwanag niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Kasi aware sila, conscious sila, hindi sila naniniwala na dapat mahal ang gamit mo."

At ang katangiang ito ay isang bagay na natutunan nina Yohan, Lucho, at Luna mula sa kanilang mga magulang.

"Siguro kasi we don’t divulge naman sa kanila ang mga tatak na high-end," dagdag pa ni Juday.

Kapag nasa loob ng isang tindahan, hinihikayat din ni Judy Ann ang kanyang mga anak na piliin ang mas murang mga bilihin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa tuwing magtuturo sila sa isang mamahaling item at sasabihin, "Mom, that's nice," kukuhanin ng aktres ang mas murang pagpipilian at sasabihing "May mas maganda diyan. Ito, o."

Sa nanunang ulat ng KAMI, umani ng papuri ang mag-asawa dahil sa kanilang paraan sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Si Judy Ann Santos ay ikinasal kay Ryan Agoncillo, na nakilala niya sa serye na Krystala noong 2004. Noong 2005, naging opisyal ang kanilang relasyon. Ikinasal sila sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong Abril 28, 2009. Mayroon silang tatlong anak, sina Juan Luis at Juana Luisa, at si Yohan.

POPULAR: Read more about Judy Ann Santos here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? | HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions. Do you want to have a good laugh? Check out this clip filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mariel Padilla, other celebs react to Marjorie Barretto's recent post about Julia Barretto

Mariel Padilla, other celebs react to Marjorie Barretto's recent post about Julia Barretto

Mariel Padilla, other celebs react to Marjorie Barretto's latest post about Julia Barretto
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel