Mayor Isko, lalo raw pinabilib ang publiko sa kanyang speech sa isang graduation
- Naging guest speaker si Mayor Isko Moreno sa graduation ng Emilio Aguinaldo College
- Nilahad niya sa halos isang oras niyang speech kung paano siya namuhay bilang isang mahirap at nakabangon dahil sa pagpapahalaga niya sa edukasyon
- Marami ang mas napabilib sa alkaldeng ito dahil sa "makatotohanan" daw nitong mga sinabi tungkol sa kanyang buhay na kapupulutan talaga ng aral at inspirasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling nag-viral ang nasa isang oras na speech ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno sa ginanap na graduation rites ng Emilio Aguinaldo College noong Hulyo 11.
Binahagi kasi itong muli ng Facebook page na Ang Bagong Maynila nitong Biyernes, Agosto 9.
Sa talumpati ng sikat na alkalde ngayon, litaw na litaw ang pagiging totoo nito sa sarili.
Ikinuwento niya ang kanyang mga pinagdaanan ng walang halong pagkukunwari at pawang katotohanan lamang.
Di siya nahiyang aminin na minsan siyang naging basurero at naging pedicab driver.
Buong pagmamalaki rin niyang binahagi na kahit pa ganoon ang pinagdaanan niya sa buhay, di siya ni minsan nalulong sa anumang masamang bisyo.
Hanggang sa nabigyan siya ng pagkakataong makapag-artista.
Pinagbuti niya iyon at nalaman niyang sa simpleng pagkaway-kaway, pag-arte, pag-kanta at pag-akbay sa fans, ganoon lamang kadaling kumita ng pera.
Ngunit ang labis na pinagmamalaki ni Yorme Isko ay ang mga oportunidad na naibigay sa kanya sa pag-aaral.
"Value your education," ang halos paulit-ulit na nasabi ng alkalde.
Maswerte raw kasi ang mga nasa harap niya dahil nakapagtapos ang mga ito sa oras. Ngunit, mapalad din daw siyang maituturing dahil di lamang siya basta nakapag-aral, nakapasok pa siya sa prestihiyosong mga unibersidad tulad ng Harvard University at Oxford University.
Kaya naman hinimok niya ang mga kabataang nasa harap niya noon na kung siya na pamali-mali pa rin ang "grammar" hanggang sa ngayon ay nakapasok sa mga unibersidad na nabanggit, mas lalong kaya rin ng mga ito.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging talumpati:
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Tunay nga raw na nakaka-inspire ang kwento ng buhay ni Mayor Isko kaya naman di napigilan ng ng mga netizens na lalong hangaan ang alkalde ng Maynila.
Narito ang ilan sa kanilang mga positibong komento:
"The best graduation speech I ever heard so far. Very inspiring, honest-to goodness, effectively delivered."
"So inspiring. i watched the whole video...napaka truthful and very humble. Manila is so lucky to have him. Kudos Mayor Isko!"
"One of the most inspirational speech I have heard. Keep up Mayor and do your best the rest leave it to the almighty. Cheers !"
"A truly inspiring speech. May you continue to be an inspiration to many. Stay strong to you conviction not only in changing and uplifting the face of Manila but also the image of Philippine politics. May God guide you in your journey."
"So much honesty, sincerity, humility and full of wisdom and humor. More power to you!"
"I viewed this repeatedly, and i'm so greatful to work with him. And I see in his eyes the sincerity in every action and words coming in his mouth. God Bless Manila, God Bless the Philippines!"
Umabot sa mahigit 1.3 million views ang video ng speech na ito ni Mayor Isko.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.
Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh