Pauleen Luna, nagsalita tungkol sa malisyosong pagpapakalat ng litrato ni Vic na may kargang baby

Pauleen Luna, nagsalita tungkol sa malisyosong pagpapakalat ng litrato ni Vic na may kargang baby

- Naglabas ng kanyang saloobin si Pauleen Luna tungkol sa mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon

- Matatandaang umani ng sari-saring reaksiyon ang litrato ni Vic Sotto na may kargang bata

- Nilinaw ni Pauleen na hindi siya ang batang nasa litrato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Pauleen Luna ang tungkol sa kumakalat na litrato ng kanyang mister na si Vic Sotto na may kargang sanggol. Sa kumakalat na post sa social media, pinapalabas na si Pauleen yung batang karga ng TV host.

“Vic Sotto and Pauleen Luna. Akalain mo, sila pala ang magkakatuluyan. Kaya sa mga single diyan, wag kayong mag-alala. Baka yung forever nyo, fetus pa," ito ang nakasulat sa caption ng isa sa mga malisyosong post na umani ng samu't-saring reaksiyon.

Sa isang ulat ng Diaryo Bomba sa panulat ni Gorgy Rula, nilinaw ni Pauleen na ang batang iyon ay ang anak ni Vic na si Paulina.

“Hindi ako yun kuya! Si Paulina yun. Sarap nga idemanda yung site na nag-post niyan!” ito ang naging pahayag ng TV host actress sa pamamagitan ng isang text message.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paliwanag niya, nagkita sila ni Vic pero iyon ay noong sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.

Nagsimula ang showbiz career ni Pauleen Luna nang sumali siya sa Little Bulgar ng talent ng Eat Bulaga! Noong 1995 kung saan una niyang nakilala ang kanyang asawang si Vic Sotto.

Naging bahagi siya ng Star Magic Batch 11 ng ABS-CBN Corporation noong 2002, bago lumipat sa GMA Network.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Siya ay isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017

Sa naunang ulat ng KAMI, hindi napigilang maging emosyonal ni Pauleen nang muli silang magkita ng anak matapos niyang ma-confine sa ospital ng dalawang linggo.

POPULAR: Read more about Pauleen Luna here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? | HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions. Do you want to have a good laugh? Check out this clip filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel