Mga pulis sa may UST, hinangaan sa pagtulong sa mga taong makadaan sa baha nang di nababasa
- Viral ang video ng mga pulis na tumulong sa mga taong dumaraan para di sila makalusong sa baha
- Gumamit ang mga pulis ng monoblock chairs na maaring maapakan ng tao sa pagtawid sa baha
- Habang umani ng papuri ang mga pulis, marami naman ang tila nabatikos ang di paglusong ng mga tumulay sa silya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hinangaan ang dalawang pulis na nakunan ng video sa may University of Sto. Tomas sa Maynila.
Binahagi ng Philippine Star ang video kung saan pinatatawid ng mga pulis ang mga commuter sa baha gamit ang mga monoblock chairs.
Mapapansing, naisipang gawin ito ng mga pulis upang hindi na lumusong at di na tuluyang mabasa ang ilan sa mga dumaan.
Sadyang "public service" daw ang pinakita ng mga pulis na ito na handang tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
Samantala, habang umaani ng papuri ang dalawa di maiwasan ng ilang netizens na mabatikos ang ilang dumaan sa silya sa tulong nga mga pulis.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Ayon sa ilan, mauunawaan daw nila ang mga gumawa nito kung papasok pa lamang sila sa paaralan o sa opisina. Ngunit, kung ang mga ito ay pauwi na, sana raw ay lumusong na ang mga ito.
Mapapansin din daw na di naman kataasan ang tubig kaya naman di pa raw ito mahirap lakaran.
Ang ilan naman ay nagsabing baka nga naman may sugat sa may bandang paa ang mga tumawid kaya ayaw ng mga itong mabasa.
Binulabog ang Metro Manila ng walang humpay na pag-ulan pagbungad pa lang ng araw ng Agosto 2.
Tanghali na nang sunod-sunod nang nagdeklara ng suspensyon ng klase ang mga alkalde ng iba't-ibang lungsod.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?
Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh