'You do note' girl, artistahin ang dating sa bonggang-bongga niyang photoshoot

'You do note' girl, artistahin ang dating sa bonggang-bongga niyang photoshoot

- Minsan nang nag-viral ang nakakaaliw na video ng isang batang babae na ginagaya sina "Cassie" at "Marga" ng 'Kadenang Ginto'

- Kamakailan ay naging guest na rin siya sa programang 'Gandang Gabi Vice'

- Ngayon, kinagiliwan ng mga netizens ang mga larawang kuha sa kanyang photoshoot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa talaga ng ingay ang nakakatuwang batang si Marjorie “Majo” Lingat o mas kilala bilang si 'You do note' girl.

Mabilis na nag-viral ang kanyang video kung saan ginaya niya ang pamosong karakter nina "Cassie at Marga" ng Kadenang Ginto.

Ang nakakatuwa sa kanyang video, kahit iba ang nababanggit niyang mga linya ay napakahusay naman nitong umarte.

Dahil dito, maging ang mga tunay na aktres na gumaganap na "Cassie at Marga" na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz ay alam na rin ang linyang "You do note" ni Majo.

Katunayan, nang maging guest si Majo sa Gandang Gabi Vice, naka-eksena mismo ni Majo ang mga iniidolong mga artista ng Kadenang Ginto.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maging ang host ng GGV na si Vice Ganda ay aliw na aliw sa napaka-natural na batang si Majo.

Nabanggit din kasi sa GGV na maaring mapabilang si Majo sa 'KG' at pinag-iisipan pa kung anong maaring maging role nito sa sikat na teleserye tuwing hapon.

Bukod dito, nagkaroon na pala ng pictorial si 'You do note' girl at talaga namang artistahin ang dating nito. Binahagi ng Pinoy Fame Online ang mga larawan.

Natutuwa ang mga netizens sa tinatamasang biyaya ni Majo lalo pa at malaki rin ang maitutulong nito sa kanilang pamilya.

Kaya naman ang hiling nila, makita na rin nila si 'You do note' girl sa teleseryeng sinusubaybayan niya at naging dahilan para siya ay makilala.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel