Faith healer sa Kalinga, nagsabing kaya raw niyang magpagaling gamit lamang ang tubig

Faith healer sa Kalinga, nagsabing kaya raw niyang magpagaling gamit lamang ang tubig

- Kaya raw magpagaling ng iba't ibang karamdaman ng faith healer na ito mula Kalinga

- Tubig lamang ang ginagamit niya sa pagpapagamot

- Bagaman at marami raw ang bumabatikos sa kanya, pinagpapatuloy pa rin daw niya ang panggagamot dahil gumagaling ang mga taong lumalapit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan sa social media ang manggagamot mula sa Tabuk, Kalinga na nagsasabing kaya raw niyang magpagaling ng iba't ibang karamdaman.

Ayon sa ABS-CBN news, tubig lang daw ang ginagamit ng faith healer na si Amador “Santino” Naoy.

Kwento pa ni "Tatay Santino", bata pa lamang siya nang matuklasan niya ang kakayahang magpagaling ng may sakit.

Nakarinig lamang siya ng boses na nagsasabing ang tubig sa bokal sa kanilang lugar ang maari niyang magamit sa paggagamot.

Sinunod niya ang 'boses' at nagawa nga raw niyang magpagaling ng mga kapitbahay na may karamdaman.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dahil dito, nagsimula nang dumagsa ang mga taong lumalapit sa kanya upang magpagamot.

Dumami na rin ang mga testimonya na nagpapagaling nga raw talaga ang faith healer.

Ang isa sa mga sinasabing 'milagrong' ginawa nito ay nang makakita ang wala na talagang paningin.

Isa ring nakagugulat na nagawa raw niya ay nang mapalakad niya ang matagal nang hindi makalakad.

Ang nakamamangha pa kay tatay Santino, di siya humihingi ng anumang kapalit.

Kaya naman kahit anong batikos sa kanya, pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagtulong.

Giit ni tatay Santino na hindi siya ang totoong nagpapagaling. Siya lamang daw ang instrumento ng Panginoon sa mga milagrong nagagawa sa kanyang kapwa na may sakit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you enjoy watching street interviews and listening to different opinions?

Check this out: Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel