Misis, may 'di inaasahang mga 'requests' sa kanyang reklamo; binadtrip ang netizens

Misis, may 'di inaasahang mga 'requests' sa kanyang reklamo; binadtrip ang netizens

- Isang misis ang inireklamo ang asawa niyang pulis kay Idol Raffy

- Gusto raw niya itong paalis sa trabaho dahil sa babae nito

- Pero sa bandang huli, marami siyang 'requests' na ikina-high blood ng netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' ang isang misis na si Adeline Estoque para ireklamo ang mister niyang pulis na si patrolman Romnick Estoque.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Adeline kulang daw ang sustentong binibigay ni Romnick at mayroon pa itong babae.

Mayroon silang dalawang anak, isang 9-anyos at isang 5-anyos.

Depensa ni mister, mayroon ng hawak na ATM si misis. Pero ayon kay Adeline, wala raw itong lamang pera.

Biglang naiba ang ihip ng hangin nang sabihin ni Adeline na gusto na lang niya ipasibak sa trabaho si mister.

"Gusto ko lang po siyang matanggal para patas-patas na lang po kami. Hindi makikinabang yung babae at 'di rin ako makikinabang," saad ni Adeline.

Ayon pa kay misis, nabuntis daw ni mister ang kabit nito at nakita pa ng panganay nilang anak na magkasama silang dalawa.

Marami ang naawa sa kuwento ni Adeline, pero nagulantang ang maraming netizens sa mga 'requests' nito kay Idol Raffy sa bandang huli.

Una ay humingi ito ng pamasahe kay Idol Raffy pabalik sa Cebu. Pangalawa, humihingi ito ng 10,000 pesos para panimula ng negosyo.

Watch the video below:

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kuwento nila.

"Ano ba yan dyan sa Pinas puro KABIT KABIT! Dapat May bagong batas na ang PAMAHALAAN na IBITAY ANG KABIT AT NANGABIT!!!"
"Sana may background check para malaman kung deserving sa tulong. Hindi lang kay ate pati na rin sa mga taong dudulog pa kay idol raffy."
"Ginawa na ata sandigang negosyo ang sandigang bayan ni idol raffy. Parang hindi na issue ang kabit ang issue pangaabuso sa kabutihan ni idol raffy."
"HAHAHA Sir Raffy naawa ako kanina.. Pero kapal muks din ata to a... Parehas yata ung anak ng YAYA mo hingi ng pera.. Ate mahal ang pag tatoo ng kilay"
"Buti nga nanghihingi yun tao hndi nagnanakaw..ano nman masama kng sakali bigyan ni sir raffy ng kunting pangkabuhayan eh may 2 anak cya bubuhayin..wg husgahan ang tao..kng makapag koment iba jan kala mo wagas.."
"bakit ka pumunta dyan na wala ka naman pamasahi…??? naku sir Raffy huwag mong tulongan yan!!! ang laki ng katawan nya…… magtrabaho ka!!! pumunta ka lang dyan para mamalimos kay sir Raffy, kaya ka iniwan ng asawa mo kc mukha kang pera bweeeeesssshhhhhiiiitt ka talaga!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, sapul sa video ang isang pamilya matapos silang makaligtas sa gumuho nilang bahay dahil sa lindol na naganap sa Batanes nitong Sabado, July 27.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, famous Filipino actor Dingdong Dantes shared how his and Marian's life changed after the birth of their second child! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel