Nakakaaliw na mga test folders na may mga hugot tungkol sa "cheating", viral

Nakakaaliw na mga test folders na may mga hugot tungkol sa "cheating", viral

- Viral ngayon ang mga photos ng test folders na may mga nakasulat na hugot tungkol sa "cheating"

- Binahagi ito ng guro ng mga college students na nilagyan ng mga hugot lines ang mga folder na pantakip nila sa kanilang test papers

- Naaliw ang mga netizens dahil isa sa mga estudyante ay dinawit pa di umano ang pangalan ng aktor na si Gerald Anderson na inaakusahan ng panloloko sa girlfriend na si Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng guro sa kolehiyo ang nakakaaliw ng mga larawan ng test folders ng kanyang mga estudyante.

Sa post ni ma'am Regine Lumacang Generalao, kapansin-pansin ang mga folder ng kanyang BSED-Math 1A students dahil sa mga "hugot lines" na nakasulat dito tungkol sa "cheating."

Nakakaaliw basahin ang mga mga nakasulat dito dahil sa iba-iba talaga ang mga ito at di magkakapareho.

Di ka na raw talaga mangangahas pang kumopya dahil mamamatay ka muna sa kakatawa.

Isa pa nga sa mga naisulat ng hugot ng mga estudyante ay patungkol sa aktor na si Gerald Anderson na inaakusahan ng panloloko sa kanyang nobyang si Bea Alonzo.

Kaya naman lalong bumenta ito sa mga netizens dahil naisip pa talagang isingit ang sitwasyon ngayon ng aktor gayung ang "cheating" na sinasabing kanyang ginawa ay iba naman sa "cheating" na maaring gawin ng estudyante sa klase.

Aliw na aliw ang mga netizens at nagkaroon pa raw ang iba ng ideya kung ano ang maaring nilang gawin upang di maka-kopya ang tamad nilang mga kaklase.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang tataba ng utak ng mga estudyanteng to!"
"Hahaha, nadamay pa si Gerald, bakit? nangopya ba siya?"
"Panalo to, ganito na pala gagawin namang magtotropa pag may test"
"Ewan ko na lang kung makakopya pa sakin katabi kong tamad pag ganito ginawa ko"
"Cheating cheating, hahahahahaha, tumingin ba sa ibang papel si Gerald?"

Mayroon nang 9,200 reactions ang post na ito at 25,000 na beses na itong naibahagi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel