Samgyupsal at milk tea, dapat may limit lang ayon sa mga eksperto

Samgyupsal at milk tea, dapat may limit lang ayon sa mga eksperto

-May payo ang mga eksperto sa mga mahihilig sa samgyupsal at milk tea kaugnay ng kalusugan

-Ayon sa mga ito, mataas daw kasi ang calorie content ng mga ito

-Nagbabala din ang mga ito sa mga sakit na maaaring makuha mula sa labis na pagkain o pagkahilig sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa kabi-kabilang pagsulpot ng samgyupsal restaurant o 'yung mga nag-o-offer ng unlimited na karne ng manok, baboy at baka at mga milk tea shops sa bansa, may payo ang mga eksperto sa mga taong mahihilig dito.

Sa isang report mula sa Investigative Documentaries ng GMA News, sinabing mataas ang calorie content ng mga ito.

Ayon sa ulat ang 10 strips ng pork belly, may 1,220 calories. Habang ang 10 strips naman ng baka ay mayroon ng 410 calories, at 410 calories naman ang 10 strips ng manok.

At bagamat mainam naman daw ang calories mula sa mga karne, hindi pa rin daw dapat sumobra sa pagkain nito lalo pa kung hindi naman aktibo.

“Hindi nagiging maganda ang epekto nito kapag sobra-sobra tayo ng pagkain tapos hindi naman tayo aktibo. Puwede siya mag-lead sa obesity o pagka-overweight.”

Ito ang pahayag ni Nutrition Officer Jomari Tongol mula sa National Nutrition Council.

Kaya naman payo ng mga eksperto, isang beses lang daw dapat na kumain ng samgyupsal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Bukod dito, ang milk tea rin ay hindi dapat na sosobra ang pag-inom natin.

May kanya-kanya din kasing calorie content ang bawat sangkap nito.

“Ang recommendation kasi ng World Health Organization, ang isang adult kasi dapat nasa 5 to 10 teaspoons lang ng free sugar ang puwedeng i-intake sa isang araw. Alam natin na ang milk tea, mataas ang sugar content niya, kaya hindi siya panay.” sabi pa ni Tongol.

At dahil mahirap matunaw ang mga sobrang calories sa katawan, 1,500 calories lang daw ang dapat na intake ng isang taong hindi nag-eehersisyo.

Maaari kasing magkaroon ng calorie surplus o sobrang calories sa katawan na makakapag-cause ng weight gain kapag hindi natunaw ang sobrang calories.

Posible rin na magkaroon ng Hypertension o high blood pressure dahil sa labis na pagkain ng samgyupsal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone