Mayor Isko meets Jessica Soho! 1 on 1 interview sa astig na "yorme" ng Maynila

Mayor Isko meets Jessica Soho! 1 on 1 interview sa astig na "yorme" ng Maynila

- Inabangan ng marami ang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho nitong nakaraang Linggo kung saan itinampok si Mayor Isko Moreno

- Sa panayam ng batikang mamamahayag sa bago at astig na alkalde ng Maynila, mas lalong dumami ang taga-hanga si Mayor Moreno

- Dahil din dito, mas nakilala kung sino ang isang Isko Moreno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral na ngayon ang nakaraang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho nito lamang Linggo kung saan itinampok si Mayor Isko Moreno.

Nakapanayam ito one on one ng batikang mamamahayag na si Ms. Jessica Soho. Sinamahan ni Soho ang mayor na mag-ikot sa ilang lugar ng Maynila.

Humanga si Soho sa bagong mukha ng ilan sa mga lugar na dating masikip at makalat na ibinahagi nito sa kanyang show.

'Di rin nito pinalagpas si Moreno na kilala sa kanyang mga "kalye words" katulad ng "yorme" o mayor, "oblo" o loob, "gidli" o gilid at marami pang iba.

Sinamahan rin nila si mayor na bisitahin ang ilang sa mga lugar doon para ma-check kung maluwag na ba ang ilan sa mga kalsadang dating hirap daanan.

Sa isang bahagi ng panayam, napag-alamang naniniwala ang bagong alkalde sa edukasyon. Naibahagi rin nito na nabigyan ito ng pagkakataong makapag-aral sa prestihiyosong paaralan sa buong mundo, ang Harvard.

Makailang beses din nitong nabanggit ang kanyang kabataan kung saan aminado ito na dati siyang lumaki sa basura.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Madalas na nating marinig kay Moreno ang kanyang istorya bilang batang Maynila, ngunit tila marami pa rin ang mas lalong humanga dito dahil sa nasabing episode.

Inamin rin nito na na-discover siya ng GMA 7 sa isang lamay kung saan siya nagsusugal noon.

Hindi rin pinalagpas ni Soho ang pagkakataon na tanungin si mayor Moreno tungkol sa mga plano nito sa Maynila.

Anito, marami pa siyang plano para sa buong Maynila at ang kanyang mga nagawa ay simula pa lamang ng pagbabago ng lungsod.

Natanong rin ito kung may plano itong tumakbo sa mataas na pwesto sa bansa ngunit magalang na sinabi nito na nais niyang magturo muna pagkatapos ng kanyang termino.

At siyempre pa, ipinakita rin ni Mayor Isko ang kanyang "the moves" kasama si Soho.

Kahit pa nga marami ang nag-abang sa episode na ito ng KMJS, marami pa rin ang tumangkilik dito sa social media na umabot agad sa halos dalawang milyon ang views.

Kamakailan lang ay naiulat ng KAMI na nais ipa-deport ni Mayor Isko ang Tsinong nahuling umiihi sa kalsada ng Maynila at nanakit pa ng tanod.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Destroying Filipino Flag For 5k Pesos! By popular demand, we repeated our Independence Day social experiment – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel