Larawan ng pulis at lalaking agaw pansin ang suot na t-shirt, viral

Larawan ng pulis at lalaking agaw pansin ang suot na t-shirt, viral

- Viral ang larawan ng isang pulis na may kasamang lalaking nakasuot ng agaw-pansing t-shirt

- Totoo man o hindi ang eksena sa larawan, lumabas itong katawa-tawa sa mga netizens

- Mayroon din namang iba ang naging pananaw sa viral na larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang napangiti at napatawa ng larawang binahagi ng Peryodiko kung saan makikita ang isang pulis at ang lalaking naka-posas.

Sa unang tingin, aakalaing simpleng post lamang ito, ngunit kung papansining mabuti, tila may premonisyon ang lalaki sa mangyayari sa kanya sa araw na iyon.

Suot kasi nito ang t-shirt na may nakasulat na "Today is my lucky day." samantalang nakaposas naman siya at marahil ito ang araw na nahuli siya sa anumang nagawa niyang paglabag sa batas.

Ang nakakatuwa pa rito, di na nilagyan pa ng Facebook page na Peryodiko ang post ng anumang caption dahil ang mismong larawan na ang nagsasabi kung anong meron dito.

Umabot na sa 27,000 reactions, 3,300 comments at 68,000 na shares ang naturang post.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, narito naman ang mga nakakatuwang komento ng mga netizens na naaliw sa isang seryosong larawan:

"Congratulations more sentence to come"
"Di umano pinakamaswerteng tao sa mundo new tittle holder sa guinness word of records"
"Congrats may bahay ka na. May taga pag luto at tagapag hain ka na ng pagkain . Sobrang taas pa ng level ng security mo brader"
"Hala si Kuya, parang may premonisyon, swerte nga kaya?"
"Congratulations!.free accommodation awaits"

Mayroon din namang hindi natuwa at sinabing dapat na gawing positibo ang mensaheng nakita sa post. Narito ang ilan pa sa mga naging reaksyon ng mga netizens:

"Your lucky day, maybe yan na ang simula ng pagbabagong buhay brod, maging lesson ang araw na yan syo at sa paglabas mo at nalandas mo na ang tamang daan, saka mo masasabi ang araw na yan ang naging susi pagbabago mong buhay..."
"binigyan sya ng pagkakataon para magbago"
"Wag nyo naman sya gawing katatawanan dahil hindi ninyo alam ang pakiramdam ng kalungkutan kapag ikay nasa kulungan sa halip na pagtawanan ay ipagdasal nalang sya na makamit ang kalayaan na kanyang inaasam"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh?

Check this out: PINOY Tongue Twisters | Tricky Questions | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel