29-anyos na ginang, ginahasa at pinatay ng pamangkin ng kanyang mister

29-anyos na ginang, ginahasa at pinatay ng pamangkin ng kanyang mister

-Duguan at wala nang buhay ang 29-anyos na ginang sa Rizal nang matagpuan ng kanyang dalawang anak

-Ang suspek ay isang kaanak ng mister nito na OFW sa Canada

-Ayon sa mga pulis, ang suspek pa raw ang gumising sa mga bata para humingi ng tulong sa kanilang lolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Duguan, tadtad ng saksak at wala nang buhay nang madatnan ng mga awtoridad ang 29-anyos na ginang sa Cardona, Rizal noong Hunyo 30.

Sa ulat ng ABS-CBN News, napag-alamang ginahasa at pinatay ang biktima sa loob ng kanilang silid sa bahay.

Ang suspek, pamangkin pa man din ng mister nito na si Archie delos Reyes, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Canada na kaaalis pa lamang.

"Hindi kayang sabihin sa akin ng kuya ko. May tinawag siyang pastor tapos siya nagsabi sa akin," ani delos Reyes.

"Binasahan muna ako ng verse sa Bible about sa mga pagsubok... t'saka niya isiningit... your wife has been slain." dagdag nito.

Sa mga reports na lumabas, madaling araw ng Hunyo 30 nang nagtatatakbong lumabas sa bahay ang mga anak ng biktima para humingi ng tulong sa kanilang lolo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng PNP, ang suspek mismo ang gumising sa mga ito para humingi ng tulong.

"Sinabihan 'yung mga bata na magpunta daw sa lolo at tumawag nang magdadala sa ospital," sabi ni Police Capt. Jhuner Mojares ng Cardona police.

Ngunit idineklarang dead on the spot na ang ginang.

Lango sa alak at ipinagbabawal na gamot ang suspek na kinilalang si John Paul Campo, 23-anyos, na kusa namang isinuko ng pamilya nito.

Ayon sa ulat ng News5, pagnanakaw ang pakay nito ngunit nang magising ang biktima ay doon na ito inatake ng suspek at hindi napigilan ang sarili.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Fill In The Blanks! Aanhin pa ang damo kung... Can you fill in the blank with the right words? Let us find out! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
QCPD, inilahad ang bago at nakakadiring modus ng lalakeng nang-hihipo!

QCPD, inilahad ang bago at nakakadiring modus ng lalakeng nang-hihipo!

QCPD, inilahad ang bago at nakakadiring modus ng lalakeng nang-hihipo!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel