Bunga ng pagsisikap! Chef Boy Logro, nakapagpundar ng maraming ari-arian

Bunga ng pagsisikap! Chef Boy Logro, nakapagpundar ng maraming ari-arian

- Marami na ang naipundar na ari-arian ng sikat na chef na si Boy Logro

- Bukod sa kanyang TV commercials, may sarili din itong palabas sa Kapuso network

- Ibinabahagi din niya ang kanyang kaalaman sa kusina sa kanyang naipatayong mga culinary schools

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Chef Boy Logro ay nakilala bilang isa sa mga kwelang chef na nagbabahagi ng kaalaman sa pagluluto. Bukod sa angking talento, taglay din niya ang kasipagan na nakatulong sa kanya upang mkapagpatayo ng ilang restaurants, schools, cooperative, at iba pang negosyo.

Kabilang nga dito ay ang kanyang farm na kanyang naibahagi sa isang post sa social media.

"My apo nag-enjoy sa aking Farm sa Ranzo de logro soon to open!" pagbabahagi niya.

Mayroon siyang tatlong culinary schools kung saan ibinabahagi niya ang kanyang pagiging bihasa sa kusina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"May school ako na tatlo na - Davao, isa dito, one in Cavite. Dito, Manila Culinary Hospitality Academy. Sa Davao, CLICKS (Chef Logro's Institute of Culinary and Kitchen Services). Sa Cavite, CLICKS din," aniya.

Mayroon din siyang ilang restaurants.

Kabilang din sa kanyang napatayong negosyo ay ang water refilling station.

Mayroong cooperative na itinayo si Chef Boy sa Laak, Compostela Valley.

Isang Chapel din ang kanyang naipatayo sa parehong lugar.

Si Pablo Logro o mas kilala bilang si Chef Boy Logro ay isang chef na kilala sa kanyang cooking shows kagaya ng Idol sa Kusina at Chef Boy Logro: Kusina Master. Nauna siyang nagtrabaho sa Cebu ng 2 taon. Kinalaunan ay naging service crew siya ng isang fast food chain. Naging sous chef siya sa Qaboos bin Said al Said's Al Alam Palace kaya nakapagbiyahe siya sa iba't-ibang lugar sa buong mundo.

Naging executive chef siya sa Manila Diamond Hotel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Spider-Man Far From Home: Hilarious Prank In Philippines | HumanMeter

Human Meter couldn't wait and decided to bring some Spidey vibes into the streets of Philippines as Spiderman: Far From Home is finally premiering next week. Do you want to have a good laugh? Check out this hilarious prank.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel