Nakatutuwang mensahe ng netizen kay Romina ng 'Kadenang Ginto', viral

Nakatutuwang mensahe ng netizen kay Romina ng 'Kadenang Ginto', viral

- Kinagiliwan ng mga netizens ang mensahe ng isang fan ng 'Kadenang Ginto' sa karakter ni Romina Mondragon

- Ayon sa netizen, di na raw siya nakakapag-review para sa kanyang board exams dahil sa panonood ng sikat na serye sa hapon

- Umabot na sa 26,000 reactions at 34,000 shares ang nakakatuwang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Ezli Perez na nagpapakita ng mensahe ng isang fan sa karakter ni Romina Mondragon ng programang 'Kadenang Ginto.'

Sa post, makikita ang screenshot di umano ng netizen sa mensahe niya kay Romina.

Naglalaman ito ng rebelasyon na magkapatid sina Cassie at Marga na pawang mga karakter din sa serye.

Sinabihan pa ng netizen na manood dapat si Romina ng YouTube dahil makikita doon ang rebelasyon ni Daniela kung sino nga ba talaga ang ama ni Cassie.

Dagdag pa ng nito, di na raw siya makapaghanda at makapagreview para sa kanilang board exam dahil sa mga patindi nang patindi na mga pangyayare sa patok na serye tuwing hapon.

Aliw na aliw ang mga netizens sa post na ito lalo na ang mga tagasubaybay ng 'Kadenang Ginto'.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga nakakatuwa nilang mga komento:

"mamsh damang dama ko to hahahaha nkakainis ei"
"badtrip nga yan. Pati yan dumadagdag sa problema ko. Hahahahahahaha"
"gus2 ko na nga puntahan kung san man yan nakatira c romina eh, ako na magsasabi sa kanya ng lahat ng nalalaman ko"
"kaya nga naiinis na ako ipapanuod ko ung video kay romina kaso baka malaman ni hector ipakidnap nya din ako.."
"a picture that I can hear"
"gustong gusto ko na gawin to e hahahahahahahaha"

Ang aktres na si Beauty Gonzales ang gumaganap na Romina Mondragon sa pinaka-aabangang serye tuwing hapon. Kasama niya rito si Dimples Romana na gumaganap naman bilang si Daniela.

Mapapanood ang 'Kadenang Ginto' sa ABS-CBN pagkatapos ng It's Showtime.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter

Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel