55 na estudyante ng UP Diliman, magtatapos nang may mataas na karangalan
- 55 na mga estudyante ng University of the Philippines Diliman ang magsisipagtapos nang may mataas na karangalan
- Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong ganito karaming "with high honors" na mga estudyanteng magsisipagtapos mula pa noong 1911
- Karamihan sa kanila ay mula sa College of Engineering
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kamangha-mangha ang bilang mga magsisipagtapos sa University of the Philippines Diliman campus dahil sa tumataginting na 55 na mga estudyante nila ang "with high honors."
Ayon sa Inquirer, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon mula noong 1911 na nagkaroon ng ganito karaming honor students sa unibersidad.
Ayon pa sa Assistant University Registrar na si Aaron Abel Mallari ang bilang na ito ay pinakamataas di lamang sa Diliman campus kundi sa lahat ng UP campuses sa bansa.
18 estudyante mula sa College of Engineering ang may pinamaraming bilang ng may mataas na karangalan. Sinundan ito ng College of Science na may 12 at ang Virate School of Business na may bilang na anim.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito naman ang iba pang bilang ng mga "with highest honors" ngayong taon sa iba pang mga kurso:
College of Social Sciences and Philosophy — 5
College of Fine Arts — 4
College of Human Kinetics — tatlo
School of Economics — 3
College of Arts and Letters —1
College of Mass Communication —1
College of Education —1
School of Statistics — 1
Samantala, ang hinirang naman na valedictorian ng kanilang batch na may average na 1.019 ay may kursong Bachelor of Science in Chemical Engineering.
Nakatandang tumanggap ng diploma ang mga honor students na ito sa linggo, Hunyo 30 sa University Amphitheater.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: School Program Questions We Bet You Can't Answer | HumanMeter
Simple science questions from school program? Well, let's see how simple they are!
Source: KAMI.com.gh