Nursing grad na naging call center agent, pasado naman ngayon sa Bar exams

Nursing grad na naging call center agent, pasado naman ngayon sa Bar exams

- Pasado ang nursing graduate na si Neil Genzola sa Bar exams ngayong taon

- Pinasok niya ang pagiging call center agent dahil hirap siyang makahanap ng ospital na mapapasukan

- Ngayong isa na siyang ganap na abogado, binabalak niyang magbigay serbisyo sa gobyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naiwasang maging emosyonal ni Neil Genzola, isang nursing graduate nang malaman niyang isa siya sa mga nakapasa sa Bar exams.

Ayon sa ABS-CBN news, mula sa kanyang trabaho sa pagiging isang call center agent, dumiretso na si Neil sa Supreme Court complex upang abangan ang resulta ng Bar ngayong taon.

Bagaman at nagtapos bilang isang nurse, nahirapan di umano siyang makahanap ng mapapasukang ospital. 10 taon na siyang call center agent na siyang pinagkukunan niya noon ng pang-tuition sa pagiging abogado.

Siya lang din mismo kasi ang nagpa-aral sa sarili sa Arellano University at nagbunga naman ng maganda ang lahat ng kanyang pagsusumikap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ni Neil, sa hirap ng exams, di raw niya inaasahan na makakapasa siya. Aminado kasi siyang nagduda rin siya sa sariling kakayahan.

Sa 8,155 na kumuha ng pagsusulit, isa si Neil sa pinalad na makapasa. Ngayong ganap na siyang abogado, handa na raw siyang maglingkod sa gobyerno.

"Maging part ng ...siguro government para makatulong na rin. Balak ko kasi pumasok sa PAO o sa OSG," pagtatapos ni Neil sa kanyang panayam.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel