It's Showtime host Ryan Bang, pinuntahan at inilibre ang viral na samgyupsal boy

It's Showtime host Ryan Bang, pinuntahan at inilibre ang viral na samgyupsal boy

- Lingid sa kaalaman ng marami, pinuntahan pala ng host/actor na si Ryan Bang ang nag-viral na batang kumain sa isang samgyupsal restaurant

- Nang malaman niyang 10 araw na lamang ang bata sa Baliuag, kung saan ito na-ispatan bilang parking boy, nagpasya si Ryan na ilibre ito ng samgyupsal sa loob ng 10 araw

- Bukod rito, napag-alaman rin na nakabalik na pala ito sa poder ng lola nito at kasalukuyang nag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Matapos na mag-viral ang batang si Jeffrey dela Vega, pinuntahan pala ito ng host/actor na si Ryan Bang.

Si Jeffrey ay ang 14-anyos na batang nakilala dahil sa pagkain sa isang samgyupsal restaurant matapos mag-ipon mula sa pagpa-parking boy nito, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa programang Rated K, napag-alamang binisita pala ito ni Ryan sa lugar kung saan ito kumakayod bilang parking boy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Kwento pa ni Ryan, nang sadyain niya ito sa probinsiya ng Bulacan, ay sakto namang nag-aassist ito sa parking.

Sa isang video na ibinahagi ni Ryan, kita ang galak at tuwa sa bata nang makita at makilala siya nito.

At nang malaman ng It's Showtime host na 10 araw na lamang mananatili ang bata sa Baliuag dahil aalis na ito para mag-aral, inilibre niya ito ng samgyupsal sa loob ng mga natitirang araw nito roon.

Samantala, ayon sa latest update mula sa programa, napag-alamang nasa poder na ng kanyang lola ang viral na bata.

Sa Balagtas, sa parehong probinsiya, kasalukuyang naninirahan si Jeffrey at nag-aaral.

Nang mabalitaan kasi ng kanyang lola na nasa lansangan at nagta-trabaho ito ay agad niya itong sinundo doon.

Ayon naman sa guro nito ay masipag at bibong bata si Jeffrey at makikitang pursigidong makapagtapos ng pag-aaral.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can! Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right? Check out all of our videos – on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel