Police director, sinapok sa ulo babaeng pulis dahil di siya agad nabigyan ng assistance papunta sa restaurant

Police director, sinapok sa ulo babaeng pulis dahil di siya agad nabigyan ng assistance papunta sa restaurant

- Huli sa camera kung paano sinapok sa ulo ng isang Brigadier General ang isang babaeng pulis

- Nagalit daw ito dahil hindi siya agad nabigyan ng assistance ng babaeng pulis papunta sa isang restaurant

- Bukod sa pagpalo sa ulo, dinunggol pa si ate ng heneral gamit ang pintuan ng sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si EPD Dir. P/Bgen. Christopher Tambungan ay nahuli sa camera na sinapok ang ulo ng isang babaeng pulis.

Nalaman ng KAMI na noon May 12, nagrerequest si Tambungan kay Police Corporal April Santiago ng assistance papunta sa isang restaurant.

Ayon sa salaysay ni April, dahil nakadeploy ang mga pulis dahil nga eleksyon, nagalit si Tambungan at pinalo siya sa ulo.

Sa GMA News, makikitang nahuli sa CCTV ang insidente at bukod pa sa pagpalo sa ulo ay dinunggol pa ng pintuan ng sasakyan si April.

Ayon pa kay April, pagkatapos ng insidenteng iyon, pinag-initan na raw siya ni Tambungan.

Kung anu-ano pang massakit na salita ang sinasabi sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mahigit tatlong linggo raw si April na hindi pinag day-off ni Tambungan. Naiistress na rin siya sa kaiisip ng kanyang sitwasyon.

Pagkatapos ng isang buwan, nagkaroon ng lakas ng loob si April para ireport ang ginawa ni Tambungan kay Regional Director Guillermo Eleazar.

Ngayon, dahil sa napakabigat na ebidensya laban kay Tambungan, ni-relieve siya ni Eleazar bilang District Director.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel