Popular Pinoy celebrities, nag-photoshoot kasama ang sikat na ANTM photographer

Popular Pinoy celebrities, nag-photoshoot kasama ang sikat na ANTM photographer

- Nag-photoshoot ang ilang popular Pinoy celebrities kasama ang sikat na ANTM photographer

- Ito ay ibinahagi ni Nigel Barker na nakilala ng marami sa America's Next Top Model

- Siya at kanyang team ang kumuha ng mga larawan ng mga sikat na Pinoy celebs para sa isang edisyon ng kilalang magazine

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bongga ang isang edisyon ng isang kilalang luxury lifestyle magazine dahil spotted ng KAMI ang pagtipon-tipon ng iilan sa mga popular Pinoy celebrities ng bansa at ito ay para sa kanilang 'The Glam Issue,' ayon na rin sa mga larawan na pinost ng America's Next Top Model photographer at judge na si Nigel Barker sa Instagram.

Si Nigel ang opisyal na na photographer sa naturang shoot, at sa katunayan, nagbahagi ito ng ilang snaps sa naturang sesyon.

Bungad pa sa kanyang caption:

"Cover feature story for Tatler magazine shot in Manila featuring many of the prominent rising stars in the Philippines as well as beauty legend Vicky Belo..."

Kasama sa naturang photo op sina Dingdong Dantes, Lucy Torres, Ruffa Gutierrez, Derek Ramsay, at Sarah Geronimo.

Nakasama rin sa naturang photo shoot sina Piolo Pascual, Liza Soberano, Enrique Gil, Isabel Daza, at Iza Calzado.

Tila parte ito sa 25 years ng pagmamayagpag ng celebrity cosmetic dermatologist at surgeon na si Dra. Vicki Belo, na ipinagdiwang nila noong 2015.

Kamakailan din ay agaw-pansin si Lucy Torres sa social media na beautiful lady in red sa isang photo shoot para sa isang kilalang global watch brand.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel