OFW napauwi sa pekeng pagbubuntis ni misis; pero preggy pics, kalat sa socmed

OFW napauwi sa pekeng pagbubuntis ni misis; pero preggy pics, kalat sa socmed

- Napauwi ng wala sa oras ang isang mister na OFW sa Qatar matapos lokohin ng kanyang misis

- Bukod kasi sa ginawang pagpapanggap nito na buntis siya ay nangaliwa rin itong si misis

- Pinapadalhan pa niya si mister ng mga ultrasound pictures na nakuha niya lang sa internet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang OFW sa Qatar na si Melchor Bañez, 24 anyos, nagtatrabaho bilang barbero, ang dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action.'

Nalaman ng KAMI na inirereklamo niya ang kanyang misis na si Germaine Bañez, 29 anyos, isang call center agent na taga Cebu City, sa mga panlolokong ginawa nito sa kanya.

Ayon sa kuwento ni Melchor, nagpanggap daw na buntis itong si misis at pinapadlhan pa siya ng ultrasound images na nakuha lang pala sa internet.

Nang tanungin ni Idol Raffy kung bakit kaya ito ginawa ni misis, marahil daw ay para makuha ang mga gusto niya at matiyak na tuloy-tuloy ang sustento niya.

Nagulat na lamang itong si mister ng makita niya sa social media na totoong buntis na si misis pero sa ibang lalaki at hindi sa kanya.

Ang lalaki ni misis na si Jabel Nuñeza Jr., ang matapang na nagpo-post sa social media ng mga pictures nila ni Germaine.

Umuwi lang si Melchor nitong buwan ng Mayo para ayusin sana ang problema nilang mag-asawa pero maraming dahilan si misis kaya hindi natutuloy ang pagkikita nila.

Pinapatawag na rin daw ito sa barangay pero hindi ito sumipot.

Gusto sana ni Melchor na tigilan na ni Germaine ang pagpo-post niya ng kung ano-ano sa social media at pati pamilya daw niya ay dinamay na nito.

May bahay din silang naipundar na gustong mabenta nalang ni Melchor at tsaka nila paghatian ang halaga ng napagbentahan.

Watch the video below:

Maraming netizens ang nakisimpatya kay kuya at sinabi pang may itsura naman daw ito kaya makakahanap din siya ng babae na para sa kanya.

"People nowadays ,kung sino pa may kasalanan yun pa matatapang at makakapal ang mukha"
"Ng abroad Yun lalaki para mghanap buhay tapos syah nglandi sa ibah"
"Mga d marunong makontento at ayusin ang problema. Nag pa buntis pa haha proud pa. San kapa"
"kuya may dating ka ......you dont deserve that girl....tama yan tapusin at putulin mo na ang relasyon nyo and you deseve someone better...."
"Sayang ang gwapo at ang baet ni kuya .at me work pa .mukhang hipon yun lalake kabit mo"
"magandang istorya to ah may pagka-comedy nakakahawa yung ngiti ni kuya at nakakakilig yung tawa ni sherry waiting for the part 2 po sir Raffy."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang OFW sa Hong Kong ang na-scam ng halos 1 million matapos magpanggap na lalaki ang kakilala.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video of Tricky Questions, we asked people to answer some Pinoy riddles! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel