Viral dog na si Bubuy, inilibing na sa isang animal cemetery

Viral dog na si Bubuy, inilibing na sa isang animal cemetery

-Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang viral dog at tinaguriang "loyal askal" na si Bubuy

-Inilibing ito sa isang animal cemetery sa Tarlac

-Matatandaang nasawi nitong Miyerkules ang asong hinangaan ng marami sanhi ng hit-and-run

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Inilibing na ang viral dog at tinaguriang "loyal askal" na si Bubuy ngayong Huwebes sa isang animal cemetery sa Tarlac.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, una itong inilibing sa isang bahagi ng Mabalacat City College kung saan nagturo ang kanyang among guro na namatay naman noong nakaraang buwan.

Ngunit inilipat ito sa isang animal cemetery sa inisyatiba ng Animal Kingdom Foundation at sa permiso ng mga nangalaga dito.

Sinabi ni Heidi Caguioa, program director ng AFK, maaaring bisitahin si Bubuy.

“We will be able to immortalize, we can receive visitors kung gusto po ng mga ibang tao na makita kung nasaan po nakalagak si Buboy. They can always go and see,"

Una nang naiulat ng KAMI na nasawi ang viral dog sanhi ng hit-and-run kahapon, Miyerkules.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Maraming netizens ang nagulat at ang iba pa sa kanila ay sinisi ang mga taong nangangalaga kay Bubuy.

Ngunit ayon kay Caguioa, inaalagaan naman daw ng mga tao sa paaralan ang aso. Simula kasi ng makilala si Bubuy sa social media ay marami na ang nais na ampunin ang aso ngunit hindi pumayag ang paaralan.

"Nagpo-provide naman po sila ng appropriate care kaya siguro po napag-isipan nilang hindi naman po nararapat na ipa-adopt na ‘yon, para po sa kanila may pamilya naman po si Buboy doon sa school,"

Sabi naman ni Sally David, inalagaan nila si Bubuy kahit pa nawala na ang guro na amo nito. At wala rin naman daw na gusto ang nangyari sa hinangaang aso.

Isipin na lamang daw na masaya na si Bubuy kapiling ang kanyang bestfriend na si Sir Marcelo.

Una nang naitampok ng KAMI ang istorya ni Bubuy na nag-viral matapos magpakita ng kahanga-hangang katapatan sa kanyang amo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone