Pulis, tumayong guardian at pinag-aral ang anak ng inaresto niyang drug suspect
- Isang Grade 7 student ang nangailangan ng tulong dahil nakakulong ang kanyang mga magulang
- Wala rin siyang guardian kaya hindi sana siya makakapasok sa eskwela ngayong taon
- Buti na lamang at sinaklolohan siya ng pulis na umaresto sa kanyang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang pulis na nagngangalang Claro Fornis ang naging viral sensation dahil sa kanyang kabutihan.
Nalaman ng KAMI na tumayo si Fornis bilang guardian ng 14-anyos na anak ng drug suspect na inaresto niya.
Parehong nakakulong ngayon ang mga magulang ng Grade 7 student na si Angela Perez at wala pang kamaganak na gustong tumayo bilang guardian niya, ayon sa report ng ABS-CBN News. Ibig sabihin nito ay hindi sana makakapagaral si Perez ngayong school year.
Kaya kinausap niya ang pulis na umaresto sa ina niya para humingi ng tulong. Agad naman siyang tinulungan ni Fornis.
“Pag involved ang bata, nadudurog yung kalooban ko pag nasasaktan, naaapi yung mga bata.
“Nung nagtapat sa akin yung bata, hindi ako nag-alinlangan na tulungan siya,” sabi ni Fornis sa ABS-CBN News.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa ginawa ng pulis:
“Salute to the PNP officer and Gen. Eleazar. God Bless you Both.”
“Salute to you sir sna dumami pa ang police na katulad mo”
“Dapat ganito mga pulis good job sir”
“YAN ANG TUNAY NA PULIS. HINDI PURO YABANG”
“This is the kind of police we'd like for the Philippines, someone who has a good reputation. It's high time for policemen to bring back dignity to their names.”
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Independence Day: Would You Destroy the Filipino Flag For Money? On June 12 we celebrate Philippines Independence Day. Let us see how seriously our people treat this holiday. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh