Buntis na kabit, hinimatay matapos sugurin ni legal wife dahil sa sobrang galit

Buntis na kabit, hinimatay matapos sugurin ni legal wife dahil sa sobrang galit

- Naging mainit ang naging paghaharap ni misis at kabit ni mister na kasalukuyang buntis

- Hindi kasi nakapagpigil si legal wife at bigla niyang sinunggaban si kabit

- Mayroon din daw mga maseselang larawan si kabit sa phone ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matindi ang hinanakit ng misis na si Edelyn Buniel, 35 anyos, na dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' para ireklamo ang kanyang mister na si Philip Buniel, 37 anyos, at ang kabit nito na si Marjorie Reyes Camus, 23 anyos.

Ayon pa sa kuwento ni misis, dating karelasyon ng kuya ni mister ang kabit niya.

Kasalukuyan ding buntis itong si Marjorie sa anak nila ni Philip at magka-live in na rin sila.

Nalaman ng KAMI na hindi nagbibigay ng suporta si mister sa apat nilang anak ni Edelyn dahil binubuhay nito ang anak ng kabit niya at ang pinagbubuntis nito ngayon.

Hindi raw sana pupunta si Edelyn kay Tulfo pero sinabihan sila ng kabit na, "Puro lang kayo salita wala naman kayo sa gawa."

Sinasabi pa raw ni Philip sa kanyang kabit na huwag siyang mag-alala at hindi totoo ang kasal nila ni Edelyn. Pero may dalang ebidensya si Edelyn na magpapatunay na legit ang kanilang kasal.

Nagbanta rin daw si mister kanila misis na pag may nangyari sa kabit niya ay handa siyang pumatay.

May dala ring mga ebidensya si misis na maseselang larawan ni kabit na galing sa chat nila ni mister.

"Yung feeling na lumuhod ako sa harapan niya para lang huwag niya kami iwan. Pero anong ginawa mo, muntikan mo pang saksakin yung panganay mo dahil lang sa babae mo," sambit ni misis kay mister.

Mas naging mainit ang tagpo nang makaharap ni misis si kabit dahil bigla nalang niya itong sinunggaban na naging dahilan ng pagkahimatay nito.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

As reported earlier by KAMI, isang misis, nahuli sa aktong magkayakap sa kama si mister at ang kanyang kabit, pero todo deny pa rin silang dalawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, Filipino actor Baron Geisler opens up about religion and his life after his alcohol addiction. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PAGASA: 2 low pressure area namataan sa labas ng PAR ngayong Linggo

PAGASA: 2 low pressure area namataan sa labas ng PAR ngayong Linggo

2 low pressure area, spotted malapit sa PAR ayon sa PAGASA
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel