CR na ginawang faculty, "drama" lang daw para maging "touching" ayon sa Deped Secretary

CR na ginawang faculty, "drama" lang daw para maging "touching" ayon sa Deped Secretary

- Minsan nang nag-viral ang post ng guro kung saan ginawa umanong faculty room ang ilang CR ng paaralan

- Hayagang sinabi ng DepEd secretary na ginawa lamang daw ito ng mga guro upang mas maging "dramatic at touching" ang kanilang post at mapansin ng husto ng mga reporter

- Nagbanta pa ang pungguro ng paaralan na kakasuhan ang gurong nagpost ng mga larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hayagang sinabi ni DepEd secretary Leonor M. Briones ang kanyang opinyon ukol sa viral na post ng gurong si Maricel Herrera na nagpapakita ng kalagayan nila sa mga comfort rooms na ginawang faculty room sa Bacoor National high school.

Ayon sa panayam ng Inquirer sa DepEd secretary, tiningnan daw umano nila ang sitwasyon ng mga guro sa naturang paaralan.

Ginawang classroom ang faculty room ng mga guro dahil sa lumaki ang bilang ng mag-aaral nila ngayong taon.

Napilitan tuloy ang ilang guro na maglagay ng tables nila at gawing faculty rooms ang ilang CR ng paaralan, ilalim ng hagdan at maging ang mismong mga hallway pa nito. Ito ay unanang nai-balita ng KAMI.

Binigyang linaw pa ni Briones na inalok di umano ng school principal ang mga guro na gamitin ang laboratory, library at maging ang function hall para maging faculty room.

Ngunit ginawa lamang daw ito ng mga guro para mas magmukhang 'dramatic at touching' ang kanilang kalagayan sa Bacoor National high school.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ng DePEd secretary, delayed ang budget kaya di bata makapagpagawa ng karagdagang mga silid gaya ng hiling ni Herrera sa hiwalay na panayam.

Giit pa nito na "choice" ng mga guro ang kanilang pananatili sa mga CR bilang faculty room at maging ang paggastos pa upang maipaayos ito.

Sinabi pa ni Briones na ginawa lamang ito ng mga guro para maging "attractive" sa mga reporters at media.

Dahil dito, inulan ito ng samu't saring reaksyon mula sa publiko na ang karamihan ay nakaramdam ng pagkadismaya sa pahayag na ito ng DepEd secretary.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Dramatic and touching???!!! What the heck.. Teachers need a deped secretary who has a heart for teachers. Not a pitiless one! gigil mo po ako."
"Give our public school teachers dignified faculty offices befitting the noblest of all professions, and not the 'dramatic' and 'touching' toilets you were saying!"
"and this, ladies and gentlemen, is the DepEd secretary. i am torn between getting angry for her pessimistic views towards us teachers, or feel sad that despite all our efforts to make each ends meet for our school and for our pupils, she will always have something negative to say against us."
"Are you in your right mind Sec. Briones? You don't have the best interest of the students and teachers in your heart."
"Why do we have that DepEd Secretary? We are looking forward Sec.Briones for your retirement soon...Sana maayos ang pumalit sayo. You really have no heart for us teachers."
"I am deeply saddened by how you reacted and responded to the current issue, I too have been affected by the idea of using toilets as faculty room"
"Someone who has the heart for the teachers please...buti pa si Bro.Armin Luistro eh"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Actor Baron Geisler in a very sincere and powerful interview to HumanMeter speaks about the tough years of his alcohol addiction and about how he found his way out of this complicated situation.

Baron Geisler: I'm In Love With God | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica