Labis na paggamit ng gadgets ng kabataan, isa sa dahilan ng pagkakaroon agad ng altapresyon

Labis na paggamit ng gadgets ng kabataan, isa sa dahilan ng pagkakaroon agad ng altapresyon

- Nabahala ang ilang doktor sa tumataas na bilang ng pagkakaroon ng altapresyon maging ng mga kabataan ngayon

- Nakita nilang dahilan ang paggamit ng cellphone at gadgets bilang sanhi dahilan sa mas pipiliin pa ng mga kabataan na ang mga ito kaysa sa mga physical activities gaya ng pag-eehersisyo

- Paalala rin ng mga doktor ang wastong pagkain ng mga kabataan ngayon dahil sa madalas na nilang kainin ay processed foods

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing "silent killer" ang pagkakaroon ng hypertension o high blood pressure dahil na rin sa uri ng lifestyle ng mga tao ngayon.

Ang nakababahala pa rito, maging ang mga kabataan ay tinatamaan na rin ng altapresyon dahil na rin sa kanilang mga gawain at maging sa kanilang kinakain.

Sa panayam ni Marisol Abdurahman ng GMA news kay Dr. Rafael Castillo, council member ng International Society of Hypertension at dating pangulo ng Philippine Society of Hypertension, napag-alamang tumataas na ang bilang ng mga kabataang "high blood".

Talagang wala na raw itong pinipiling edad dahil sa murang edad na lima hanggang 12, may naitala na silang batang may altapresyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Paliwanag ng doktor, isang dahilan ng pagkakaroon agad ng mga bata ng altapresyon ay ang labis na paggamit ng gadget imbis na mag-ehersisyo o laro na kinakailangang lumabas at kumilos.

Isang tinuturong dahilan din ay ang labis na nilang pagkain ng mga processed food gaya ng hotdog, ham, meat loaf at iba pa na malakas makapagpataas ng presyon.

Pinaalalahanan ang mga magulang na ibayong paggabay ang dapat gawin sa mga anak.

Pasalihin ang mga ito sa mga gawaing kinakailangan ng pagkilos gaya ng sports.

Siguraduhing masustansiya ang kinakain ng mga anak at hangga't maaari ay iwasan na ang mga "killer foods" tulad ng junk foods at softdrinks.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Asking adult people questions from the school program. Let us see if you can answer them all.

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? |

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica