Seaman, pinaretoke si misis, pero nang gumanda'y pinagpalit siya kay general

Seaman, pinaretoke si misis, pero nang gumanda'y pinagpalit siya kay general

- Isang seaman ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang misis na kanyang pinaganda sa pamamagitan ng pagparetoke

- Pero nang ito'y gumanda na, pinagpalit na si kuya sa isang Heneral ng AFP

- Nais ni kuya makausap ang asawa na hanggang ngayo'y hindi pa nagpakita sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong si Mel Paza, 50, isang seaman kay Idol Raffy dahil may iba na ang kanyang 50-anyos ding asawa.

Nalaman ng KAMI na lahat ng hiningi ng kanyang asawang si Barbarah Paza ay binibigay niya, pati na pagpaparetoke.

Yung ilong at didbib augmentation ng asawa ay ginastusan niya kaya lang, nung gumanda na ito'y pinagpalit siya umano sa kay Brig. Gen. Jesulito Calimag, 55, Provost Marshall General ng AFP.

Ayon sa salaysay ni Kuya Mel, nang umuwi siya noong May 2 ay hindi pa nagpakita ang misis niya sa kanya.

Ang masaklap pa, buntis umano ang misis niya ngayon at sigurado siyang hindi sa kanya.

Nadatnan pa raw ng anak nila si General na nasa condo na pagmamay-ari ni Mel.

Nang makausap ni Idol Raffy si General, sabi niya ay sila na lang mag-asawa ang mag-usap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinanong siya ni Idol Raffy tungkol sa mga "I love you" messages niya umano kay Mrs. Paza at sinabi niyang na-hack ang Facebook account niya.

Sabi ni Mel, pag lumabas daw ang baby ay ipapa-DNA niya ito dahil sobra ang panlolokong ginawa nila ng asawa at ng heneral sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Exclusive Interview: Madam Kilay's New Afam | HumanMeter Watch it here

Source: Kami.com.ph

Related news
Baron Geisler cries hard during ‘Magandang Buhay’ guesting

Baron Geisler cries hard during ‘Magandang Buhay’ guesting

Baron Geisler breaks down during ‘Magandang Buhay’ guesting
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel