Pinay OFW, umayos ang buhay dahil sa pagwe-welding
- Minahal na ni Marites Casao ang kanyang trabaho bilang isang welder
- 18 nang magsimula siya sa ganitong trabaho na di niya akalaing makapag-aahon sa kanilang buhay
- Nasuportahan niya ang mga magulang at napag-aral ang mga kapatid dahil sa kakaiba niyang trabaho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
18 taong gulang pa lamang noon ang Pinay na si Marites Casao nang maisip niyang dapat siyang magtrabaho at kumita na ng sarili niyang pera.
Naibahagi ni Marites sa panayam sa kanya ng Female network kung paano niya napasok ang pagiging isang welder.
Kumuha siya ng training course sa TESDA. Sa una'y electrical couse sana ang kanyang kukunin kurso ngunit mas in-demand noong panahong iyon ang pagiging welder. Nagulat din siya na malaki ang sahod ng pagwe-welding sa ibang bansa.
Nagkataong, isa sa kanyang mga kamag-anak ay nagtatrabaho na sa AG&P. Ito ay isang gas logistics and construction company. Nabanggit ng kamag-anak na may mga babaeng welder na nagtatrabaho doon kaya naman mas lumakas ang kumpyansa ni Marites.
Nang makatapos sa kurso sa edad na 18, sumabak na agad sa trabaho sa AG&P si Marites.
Dahil pinagbuti niya ang trabaho, nagkaroon siya ng rekomendasyong makapagtrabaho abroad at ito nga ay sa French collectivity ng New Caledonia.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Sa umpisa'y nahirapan siya dala marahil ng kultura, ngunit malakaing bagay na may mga kasama siyang Pinoya na siyang nakatulong sa kanya roon.
Ngunit malaking bagay ang pagiging welder niya sa ibang bansa na siyang nakatulong sa kanyang pamilya.
Dahil sa maayos ang pasahod ng kanyang trabaho, nasusustentuhan niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Siya ang nakatutulong sa mga gamot ng kanyang mga magulang at nakapagpatapos sa kanyang mga kapatis.
Ngayong nasa edad 40 na siya, mahal pa rin niya ang trabahong nagpabago sa buhay niya.
"Being a welder helped me provide for my family, even putting my extended family through school and building a house for my parents. I was able to help my sibling finish her college education. I was like her second mother and I am proud of this," pagtatapos ni Marites.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.
Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh