Police cadet, namatay matapos mag-collapse habang nasa kasagsagan ng training
-Namatay ang isang 21-anyos na police cadet habang ito ay nasa training sa Cavite
-Itinanggi naman ng PNPA na hazing ang naging dahilan ng pagkamatay nito
-Patuloy pa rin ang imbestigasyon dito upang matiyak na walang pagpapabaya sa nangyaring insidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Pumanaw ang isang 21-anyos na fourth class cadet habang ito ay nasa kasagsagan ng training nito lamang Martes ng hapon ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Kinilala ang nasawi na si Al-Rasheed Pendatun Macadato na mula sa Kalilangan, Bukidnon.
Sa isang statement na inilabas ng Philippine National Police Academy (PNPA) nitong Miyerkules, nag-collapse si Macadato habang sumasailalim sa training exercise.
Kasalukuyang nasa Camp General Mariano N. Castañeda in Silang, Cavite si Macadato para sa kanyang training.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Sa ulat naman ng GMA News, napag-alaman ng KAMI na mayroon pa palang apat na iba pang cadet ang nag-collapse din at kasalukuyang nasa PNPA Health Service Dispensary.
Dito rin umano unang dinala si Macadato ngunit nang maging kritikal umano ang lagay nito ay agad nang isinugod sa Qualimed Hospital in Sta. Rosa, Laguna.
Ngunit pumanaw rin Miyerkules ng hapon ang binata dahil sa heatstroke.
Hindi matanggap ng mga magulang nito ang nangyari at iginiit na mayroong kapabayaan sa nangyari sa anak nila.
Ang ama ng cadet, nanawagan pa kay Pangulong Rodrigo Duterte upang tulungan sila sa kaso ng anak nang makapanayam ng GMA News.
Itinanggi naman ng academy na hazing ang dahilan ng pagkamatay ng binata base na rin sa mga doktor na sumuri rito.
Pinanindigan din ng mga ito na sumailalim si Macadato sa parehong training program tulad ng sa iba na matagal na nilang ginagawa sa loob ng ilang taon.
Iuuwi ang mga labi ni Macadato sa kanilang bayan ngayong Huwebes.
Samantala, ayon kay Police Brig. Gen. Jose Chiquito Malayo, director ng PNPA na tutulong sila sa pamilya ni Macadato.
At patuloy na paiimbestigahan kung may naging kapabayaan ba sa insidente.
READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI
Source: KAMI.com.gh