8 Inspiring Pinoy single dads sa showbiz

8 Inspiring Pinoy single dads sa showbiz

Sa selebrasyon ng espesyal na buwan para sa mga Nanay ay naispatan ng team ng KAMI ang pagbibigay pugay rin sa iilang mga Pinoy celeb single dads sa showbiz industry.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya ngayong Mother's Day ay muli naming sinilip ang 8 sa mga inspiring Pinoy single dads sa entertainment world sa bansa.

Sila yung mga ama na kinaya at kayang tumayo bilang isang ama at ina para sa kanilang mga anak.

Ngayon, ating kilalanin kung sinu-sino sila.

1. Wowie De Guzman

Hindi kaila sa marami na na-biyudo ang dating UMD dancer at ngayon ay aktor na si Wowie de Guzman sa kanyang misis na si Sherryl Ann Reyes.

Pumanaw ang huli isang buwan matapos maisilang ang kanilang pretty daughter na si Alexandra Rafealle noong 2014.

2. Paolo Ballesteros

Isa rin sa mga sikat na single dad sa showbiz ay ang Eat Bulaga dabarkad at isa sa mga JoWaPao na si Paolo Ballesteros.

Ika pa nga ng gmanetwork.com, kayang-kaya ring gampanan ni Paolo ang pagiging isang ama at ina gaya ng kanyang mga doble kara roles sa kanyang one and only child at daughter na si Keira Claire.

3. Albert Martinez

Ang batikan, beterano, at multi-awarded actor na minahal ng taong bayan sa mga Kapamilya teleserye gaya ng Ang Probinsyano, Kadenang Ginto, at The General's Daughter na si Albert Martinez ay isa rin sa pinaka-cool at super gwapo pa rin na single dad.

Namaalam ang kanyang magandang misis at dating aktres at TV host na si Liezl Martinez sa edad na 47 years old noong 2015, ayon pa sa naunang balita ng inquirer.net.

4. Dennis Trillo

Isa pang magaling at award-winning actor ay ang Kapuso star na si Dennis Trillo.

Proud single dad siya sa kanyang anak na si Calex.

Happy at super in love naman ngayon si Dennis sa beautiful Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

5. Marvin Agustin

Isang cool, fun, at hands-on dad naman ang isa pang magaling na actor na si Marvin Agustin sa kanyang gwapong twins na sina Sebastian at Santiago.

6. Richard Gutierrez

Good-looking single dad nama si Richard Gutierrez sa kanyang dalawang super pogi na mga anak na sina Zion at Kai.

Ayon pa sa ph.theasianparent.com, isiniwalat ang pagiging parent ni Richard sa pilot episode ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Single pero no longer available na ang gwapong aktor dahil engaged na ito sa pretty mom ng kanyang mga anak na si Sarah Lahbati.

Ni-reveal nila sa Magandang Buhay noong December 13, 2018, na sa 2020 na ang kanilang kasal.

7. Piolo Pascual

May super close relationship naman ang isa pang sikat, gwapo, at award-winning actor na si Piolo Pascual sa kanyang binata at sikat na rin na unico hijo na si Iñigo Pascual.

8. Paulo Avelino

Sa isang interview ni Paulo Avelino sa ABS-CBN News, sinabi nito na sinisigurado niya na may oras siya sa kanyang 8-year-old son na si Aki.

Ani niya:

“Sinisiguro ko na may oras ako kapag wala akong ginagawa, I try to spend most of the time [with my child]"

Una naming ibinahagi ang 'Mama's Day! 25 Pinoy celebs na binati ang kanilang mga ina sa Mother's Day.'

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel