Nakakikilabot na pangitain ng Pinoy psychic, tugma sa pahayag ng NASA sa pagkasira ng mundo

Nakakikilabot na pangitain ng Pinoy psychic, tugma sa pahayag ng NASA sa pagkasira ng mundo

- Minsan nang nakita ng Pinoy psychic na si Jay Costura sa kanyang panaginip ang isang malaking asteriod na maaring tumama sa ating mundo anumang oras

- Tila tumugma ito sa pahayag ng National Aeronautics and Space Administration chief ukol sa asteroid na may laking halos tatlong football field ang pinag-aaralan nila dahil sa direksyon nitong patungo sa ating planeta

- Sinabi rin ng NASA chief na si Jim Bridenstine na kinakailangang seryosohin ang babalang ito dahil di ito gaya ng mga nangyayari lamang sa pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"We have to make sure that people understand that this is not about Hollywood," pahayag ng National Aeronautics and Space Administration chief na si Jim Bridenstine patungkol sa nakikitang nilang giant asteroid na maaring tumama sa ating planeta.

Tila di raw kasi sineseryoso ito ng nakakarami at inaakalang parang mga nangyayari lamang sa mga pelikula.

Binigay niyang halimbawa ang naganap noong 2013 kung saan isa 65 feet na meteor ang nag-crash at sumabog sa Chelyabinsk, sa central Russia.

Nakunan na pa ng video ang pagkasirang naidulot nito gaya ng pagkasira ng mga gusali dahil sa lakas nitong nasa 30 beses ng sa atomic bomb ng Hiroshima.

Ayon sa CNN, nasa 1,400 na katao ang nasaktan noon at karamihan ay mula sa mga bubog na galing sa mga nasabugang gusali.

Ang masaklap, di hamak na mas malaki ang asteroid na nakikita ng NASA kumpara sa tumama na ito sa Russia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May sukat daw itong nasa 3 beses ng laki ng isang football field kaya malaki talaga ang magiging sira nito sa ating planeta.

"It's not about movies. This is about ultimately protecting the only planet we know right now to host life, and that is the planet Earth," dagdag pa ni Bridenstine.

Samantala, tumutugma ito sa minsan nang naibalita ng KAMI tungkol sa pangitain ng Nostradamus ng Pilipinas na si Jay Costura. Nakita rin niya umano ang artikulo ng NASA ukol sa malaking asteroid.

Sa pinakabagong post pa niya sa Facebook, muli niyang nabanggit ang sinabi niya sa panayam sa kanya kamakailan ng Rated K na nasa isang football field siya sa kanyang panaginip.

Binahagi niya muli ito upang magbigay ng babala at paalalahanang laging magdasal para sa milagrong di maganap ang mga ito na magiging dahilan ng tuluyang pagkawasak ng ating mundo.

Bagaman at mayroon pa ring ilan na nagsasabing wala sinuman ang nakakaalam ng katapusan ng daigdig ngunit marami din ang naniniwala kay Jay at nakikiisa sa pagdarasal na huwag itong magkatotoo.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng NASA ukol sa isyung ito:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marissa Tanael, the incredibly strong woman, who found out she has breast cancer while working in Saudi Arabia, tells her story: how she learned about the disease and how she received help from her employer.

Feature: Sick OFW Gets Unexpected Help From Employer | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica