Siargao Island, niyanig na naman ng isang lindol

Siargao Island, niyanig na naman ng isang lindol

- Nagkaroon ng lindol kagabi sa Siargao Island

- Magnitude 4.2 ang lindol na nangyari, na isang aftershock daw sa lindol ilang araw na ang nakalipas

- Wala naman inireport na namatay o nasaktan dahil sa nasabing lindol kagabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Niyanig na naman ang Siargao Island ng isang lindol kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa report ng Manila Bulletin (iniulat ni Mike Crismundo), magnitude 4.2 ang lindol na yumanig sa nabanggit na isla.

Nangyari ang lindol kagabi, 7:34 p.m., Huwebes, May 2. Ito raw ay aftershock ng naunang magnitude 5.5 na lindol sa Siargao noong April 26.

Wala namang inireport na namatay o nasaktan dahil sa lindol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, naitala ang tatlong lindol sa loob ng tatlong oras sa may Leyte.

Inaasahan na magkakaroon ng matinding lindol sa hinaharap na panahon sa Metro Manila na tinaguriang “The Big One.” Ito raw ay maaaring magdulot ng pinsala sa libu-libong buhay ng mga nakatira sa Metro Manila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Why Madam Kilay And Afam Broke Up: The social media celebrity reveals details on her highly-publicized breakup with her American partner – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta