Bible reflection, tugma di umano sa naganap na lindol sa araw na ito
- Viral ngayon ang post ng isang netizen na nagpapakita sa bible reflection sa araw na ito na di umano'y tugma sa maganap na lindol
- "The Big One" ang pamagat ng bible reflection ngayon mula sa basahin ng mga katoliko na Didache na tila nagkataon sa araw kung kailan tayo niyanig ng malakas na lindol
- Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang post at tila kinilabutan pa ang karamihan sa pagkakatugmang ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post na binahagi ng netizen na si Krstna Snchez Dizon kung saan pinakita nito ang bible reflection mula sa Didache ngayong araw na ito.
Ayon sa netizen, nasa BDO daw siya nang maganap ang may kalakasang lindol nang pinakita ng teller doon ang bilble reflection para ngayong araw na ito, Abril 22 na may pamagat na "The Big One."
Ang Didache ay isang daily bible reflection booklet para sa sa mga katoliko.
Marami ang kinilabutan at naniwalang isa itong paalala sa ating mga Pilipino patungkol sa ating pananampalataya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilang sa kanilang mga komento:
"Kinilabutan ako sis"
"kinalabutan kme lahat dito sa branch!!! As in maiyak iyak ako"
"Pag-pray nalang natin na di na masundan ulit. Kung yan man si Big One, enough na sana."
"Nakaka takot naman to"
"Grabeeeee ang creepy!!!"
Bandang 5:11 ng hapon ng Lunes, Abril 22 nang niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang Luzon. Ramdam na ramdam ito sa Metro Manila bagaman at sa Zambales ang sentro nito.
Naging mabilis ang ilang netizens sa pagbabahagi ng mga kaganapan sa kanilang lugar, habang lumilindol at matapos ito na una nang naibalita ng KAMI.
Umabot na sa 66, 000 reactions at 141,000 shares ang naturang post sa loob lamang ng tatlong oras.
Maging alerto at handa sa anumang sakuna at samahan pa ito ng dasal anumang oras, saan mang lugar tayo naroroon.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube
Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh