5 sakit na maaring makuha sa labis na pagbababad sa aircon at electric fan
Sa tindi ng init na nararanasan natin ngayong summer, madalas na nakatutok sa atin ang mga electric fan habang ang ilan pa nga ay maghapon nang naka-aircon.
Ginagawa natin ang mga ito para makaiwas sa "heat stroke" o iba pang sakit na maaring makuha natin sa tindi ng init ng paahon.
Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, mayroon ding mga sakit na maaring makuha sa labis na pagbababad sa aircon at pagtutok sa electric fan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nagbigay umano si Dr. Ma. Encarnita Limpin ng programang Salamat dok ng ilang mga posibleng maging sakit sa sobrang tagal sa aircon at electric fan.
1. Siguraduhing malinis ang aircon at electric fan dahil maaring maimpeksyon ang ating mga mata kung marummi ang binubugang hangin ng mga ito.
2. Kung marumi rin ang mga ito, malaki ang posibilidad na magkalat ito ng ilang virus at ang masama pa, magkaroon ka ng isang uri ng sakit na tinatawag na atypical pneumonia.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
3. Ang alikabok din na binubuga ng maruming aircon o electric fan ay maaring makabara sa ating paghinga.
4.Masama rin daw na magbabadsa aircon sabay labas sa lugar na sobrang init lalo na sa taong may hika.
5. Nakatutuyo rin ng balat ang labis na pagbababad sa aircon.
Dagdag pa ng doktor, wala namang masama na magpawis tayo paminsan-minsan. Isa pa nga raw itong paraan upang maibsan ang labis na init ng ating katawan dala ng panahon.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube
Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh