Babae, nabulag ang isang mata matapos maglaro ng mobile game buong araw

Babae, nabulag ang isang mata matapos maglaro ng mobile game buong araw

- Isang 21-anyos na babae ang naglalaro ng mobile game mula 7 hanggang 8 oras kada araw

- Dahil sa labis na paglalaro, nabulag ang kanyang kanang mata

- Ayon sa mga doktor, irreversible o permanente na ang damage na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming Pinoy ang nahuhumaling sa paglalaro ng mga online games sa kanilang mga cellphone.

Maituturing na stress reliever at pampalipas oras kasi ito, pero kailan nga ba ito nagiging masama at puwedeng magdulot ng peligro sa katawan?

Nalaman ng KAMI na isang 21-anyos na babae ang nagtamo ng permanenteng pagkabulag sa kanyang kanang mata matapos niyang maglaro ng sikat na mobile game na King of Glory buong araw.

Babae, nabulag ang isang mata matapos maglaro ng mobile game buong araw
Source: News YZZ CN
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report ng The Asian Parent, na-diagnose ang babae ng retinal artery occlusion o ang permanenteng pagkabulag ng mata.

Aminado naman ang biktima na nagsisisi siya sa mga nangyari at sana raw ay nakinig siya sa kanyang mga magulang.

“Sometimes I lose track of time, I don't eat even when my parents ask me to.

“Now I feel afraid and regret (for not listening to them).”

Upang makaiwas sa labis na pagka-strain ng mga mata, ugaliin ang 20-20-20 rule.

Sa bawat 20 minuto na paggamit ng cellphone, laptop, o panonood ng TV, tumingin sa malayo na may at least 20 feet ang sukat sa loob ng 20 segundo.

Malaki ang matutulong nito upang maka-relax ang mga mata.

Babae, nabulag ang isang mata matapos maglaro ng mobile game buong araw
Source: Bitcoinist
Source: Facebook

Sa nakaraang report ng KAMI, ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan sa isang sikat na supermarket sa bansa at binabalaan niya ang iba pang mga mamimili na baka mangyari rin ito sakanila.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, we ask fellow Filipinos what 'Easter Sunday' is in Tagalog. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco