7 Pinay celebrities na umamin na sumailalim sa 'egg freezing'

7 Pinay celebrities na umamin na sumailalim sa 'egg freezing'

Napag-alaman ng KAMI na ang pitong Pinay celebrities na ito ay umamin na sumailalim sa 'egg freezing.'

Una ng umamin ang anim (6) sa kanila at ngayon naman ay nagdagdagan ito ng isa pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, may isang newlywed ang umamin na nagpa-freeze rin ng kanyang eggs at ito ay walang iba kung hindi ang 'Mystified' star na si Iza Calzado.

Kaugnay nito, ating kilalanin ang 7 sa mga kilalang Pinay celebs na umamin tungkol sa pagsailalim sa naturang proseso.

1. Sam Oh

Ibinahagi naman ng TV/event host at radio broadcaster na si Sam Oh sa kanyang Instagram page ang tungkol sa kanyang pagsailalim sa 'egg freezing' procedure.

Sa isang mahabang caption sa October 2, 2016 post ni Sam ay ipinaliwanag niya kung bakit siya nakapagdesisyon nito.

2. Mich Dulce

Ang award-winning fashion designer at dating Pinoy Big Brother: Celebrity Edition housemate noong 2006 ay shinare rin ang kanyang experience tungkol sa 'egg freezing' sa isang panayam sa preview.ph.

3. Divine Lee

Ayon pa sa mga balita, nagpa-freeze rin ng kanyang eggs si Divine Lee noon bago pa man mag-asawa.

Ito naman ay naibahagi ni Mich Dulce sa panayam nito sa ph.theasianparent.com.

Ani pa ni Mich:

“I encountered friends who had done it in the US or London. I’m 35. I wish I had done it when I was 30. Divine Lee did it when she was 24.”

4. Cristalle Belo

Sa isang post noong June 6, 2015, ay isiniwalat ni Cristalle Belo ang pagsailalim niya sa egg freezing sa isang mahabang caption.

Ipinaliwanag niya kung paano siya umabot sa naturang desisyon.

5. Ai-Ai delas Alas

Sa isang presscon ay inamin naman ni Ai-Ai delas Alas na nagpa-egg freezing siya para sa kanyang future baby.

6. Vina Morales

Ibinahagi rin ni Vina Morales sa naunang interview niya ang tungkol sa pagsailalim niya sa 'egg freezing.'

Pagbahagi pa umano ni Vina:

"Oo, suwerte ako, I was able to save seven, healthy siya. Pero yung pangalawa wala, hindi siya healthy."

7. Iza Calzado

Sa interview, kamakailan lang, ni Karen Davila sa Headstart kay Iza Calzado ay pinag-usapan nila ang tungkol sa egg freezing.

At dito inamin ng aktres ang pagsailalim niya sa nasabing procedure.

Tugon pa ni Iza:

"We have frozen [eggs]... I'm going to keep banking... I have one here but I might try to do it in the States or somewhere where I can prepare for a possible surrogacy in the future."

POPULAR: Read more about egg freezing here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel