Milk tea, naging sanhi ng pagkasunog ng lalamunan at tiyan ng isang babae
- Isang ginang ang nagtamo ng chemical burns sa lalamunan at tiyan matapos uminom ng milk tea
- Pina-test ng mister niya ang natirang milk tea at napag-alaman kung bakit ito nangyari
- Maaari rin daw nadali ang kanyang atay at kidneys
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa ang milk tea sa paboritong inumin sa bansa at malaking patunay dito ang nagkalat na milk tea stores sa buong Pilipinas.
Pero kailan nga ba ito maaaring makasama o magdulot ng health risk sa mga tao?
Nalaman ng KAMI na isang ginang ang nagkaroon ng chemical burns sa lalamunan at tiyan matapos niyang uminom ng milk tea.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon sa report ng The Asian Parent, pina-test ng mister ang natirang milk tea at nakumpirma na may laman ito na isang uri ng disinfectant.
Nabili nila ang nasabing milk tea sa isang fast food sa Fuzhou Changle International Airport sa China. Napansin agad ni misis na may kakaibang lasa ang milk tea.
Kaya naman agad na inamoy ng mister niya ang inumin at mayroon daw itong matapang na amoy. Nagsimula nang magsusuka at sumakit ang tiyan ni misis matapos ang ilang minutong nakalipas.
Nang kausapin ng mister ang staff sa fast food, inamoy daw ng staff ang milk tea at itinapon ito ng patago. Mabuti na lang at kinuha ng mister sa basurahan ang baso ng milk tea kaya naipasuri nila ito.
Bukod sa pagkasunog ng lalamunan at tiyan ni misis, posible rin daw na nadali ang kanyang vital organs kagaya ng kanyang atay at kidneys.
Kaya paalala sa lahat, kung may naamoy na kayo o may kakaibang lasa ang iniinom o kinakain, agad na itong itapon at huwag na mag-take ng risk.
Sa nakaraang report ng KAMI, isang mag-asawa ang nakagat ng isang uri ng insektong nakamamatay na madalas daw nakikita sa ating bansa. Ito raw ay delikado kung hindi maagapan agad.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
In this video, we conducted a prank in public by showing how people react to someone farting out loud in public. Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh