19 anyos na binatilyo, umaming dalawang beses nanghalay ng baka

19 anyos na binatilyo, umaming dalawang beses nanghalay ng baka

- Huli sa akto ng caretaker ang ginagawang panghahalay ng isang lalaki sa kanyang alagang baka

- Agad na umaksyon ang barangay sa insidente at doon umamin ang binata sa akusasyon

- Lumabas na di lamang isa kundi dalawang beses pang nahalay ang baka ng lalaking wala raw sa katinuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 19 taong gulang na lalaki ang tinuturong nanghalay ng baka sa Zamboanga city.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN na sinulat ni RJ Rosalado, nahuli sa akto ng caretaker na si Alih Tawakal ang ginagawa ng binata sa alaga niyang baka.

Nawawala umano ang baka kaya laking gulat niya nang makita ang lalaking walang saplot at may ginagawang kahalayan sa hayop.

Nang kanya itong sitahin, agad na naktakbo ang lalaki kahit na wala itong damit.

PAY ATTENTION: Caught In the Act: 15 Celebrities Who Have Cheated On Their Partners

Agad na nagsumbong ang caretaker sa kanyang amo at dumulog sila sa barangay.

Doon, nakausap nila ang lalaki at di nito tinanggi ang akusasyon.

Katunayan, inamin pa nito na dalawang beses niya itong nagawa sa baka.

Samantala, sinabi naman ng pamilya ng lalaki na wala ito sa katinuan kaya niya ito nagawa.

Gayunpaman, di talaga normal na magkaroon ng atraksyon ang tao sa hayop.

Ayon sa psychologist ng College of Liberal Arts ng Western Mindanao State University na si Professor Clarissa Miranda, tinatawag daw itong bestiality.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Binigyang linaw din ng psychologist na maraming maaring dahilan para magawa ito ng isang tao sa hayop at isa na rito ang kakulangan sa edukasyon.

Tila tumugma rin ito sa kalagayan ng suspek dahil sa hanggang grade 2 lamang ang inabot nito dahil sa kawalan ng interes sa pag-aaral.

Paalala ng psychologist na di dapat kinukutya ang mga ganitong tao. Sa halip, palagiang pakikipag-usap ng pamilya at kaibigan ang kailangan upang di na niya maisip pang gawin muli ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel