Tag-init alert! Sore eyes, mas mabilis kumalat sa panahong ito

Tag-init alert! Sore eyes, mas mabilis kumalat sa panahong ito

-Ayon sa isang eksperto, mas mabilis raw kumalat ang virus ng sore eyes tuwing tag-init

-Ganunpaman, sinabi rin nito na buong taon ay maaaring makakuha ng sakit na ito

-Ibinahagi rin nito kung bakit nahahawa ang ilan sa virus na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam sa opthalmologist na si Roland Joseph Tan ng DZMM sinabi nitong mas mabilis raw kumalat ang virus ng sore eyes tuwing tag-init.

"Yung init mas mapapabilis ang pagdami ng virus ng sore eyes," sabi ni Tan.

Ganunpaman, nilinaw rin ni Tan na buong taon naman ay posibleng magkaroon ng sore eyes lalo pa kung hindi mag-iingat.

Ilan sa mga sintomas nito ay pagmumuta, matinding pangangati, at pamumula sa mata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maaari naman daw gumaling mula sa sore eyes kahit na hindi maggamot ngunit mas mabuti kung mag-pa-pa-check up na rin ang isang taong infected nito.

"Normally ang viral infection nagla-last lang ng four to seven days. Pero kung tingin mo na nagwo-worsen pa, or kumakapal 'yung pagmumuta, or nanlalabo 'yung paningin this can indicate that it's not just viral," anito.

Maaaring mahawa sa virus kung may kagamitan ang isang infected na nahawakan rin ng iba.

Kaakibat rin nito ang hindi paglalagay ng chlorine ng maayos sa mga swimming pool. Ang chlorine ay inilalagay sa mga swimming pool para matanggal ang samu’t saring dumi at virus na maaaring nahalo sa tubig nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel