Pag-uusap ni Christine Silawan at suspek noong gabi ng krimen, inilahad
-Sa isang panayam ng DZMM kay PCol. Lemuel Obon, inilahad nito kung ano ang naging pag-uusap ni Christine Silawan at ng suspek noong gabi ng krimen
-Ayon sa suspek, sinundan lang niya si Christine hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan niya ito napatay dahil agad raw itong umalis nang makilala siya
-Tinangka raw nitong gahasain ang biktima ngunit nawala daw ito ng gana nang makitang patay na si Christine
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Gumamit ng apat hanggang limang Facebook account ang suspek na si Renato Llenes, 43-anyos, at lahat ng ito ay dummy account.
Isa na rito ang FB account na may pangalang CJ Diaz na siyang ginamit nito para mas mapalapit kay Christine Silawan.
Si Llenes ang suspek sa brutal na pagpatay sa 17-anyos na si Silawan at binalatan pa ang mukha.
Sa isang panayam ng DZMM kay PCol. Lemuel Obon, chief ng Lapu-Lapu City police, inilahad nito ang naging pag-uusap ng dalawa bago ang krimen.
Una umanong in-invite ni Christine ang suspek sa Facebook dahil gumamit ito ng larawan ng gwapong lalaki.
"In-invite siya ni Christine [sa Facebook]. Nakita siguro ni Christine na pogi ito, tapos kinonfirm naman niya," ani Obon.
Nagkaroon ng relasyon ang dalawa hanggang sa nagkasundong magkita noong Marso 10, 6:00 ng gabi sa harap ng Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac.
Nagulat raw si Christine nang makitang mas matanda ang lalaking katagpo kaya agad raw itong umalis na sinundan naman ng suspek.
"Hinabol niya tapos nagpapakilala siya, 'Hoy! Ako si CJ Diaz.' Tapos sabi ni Christine, 'Matanda ka na pala, kuya.'" sabi pa ni Obon.
Nang hindi pa rin naniwala si Christine ay sinabi rito ng suspek ang lahat ng kanilang naging pag-uusap sa Facebook.
Tuloy-tuloy lang umano sa paglalakad si Christine papunta sa isang subdivision dahil meron umano itong kakatagpuin na ex-boyfriend nito batay pa rin sa pahayag ni Llenes.
Ayon pa sa suspek ay pinigilan pa nitong pumunta roon ang biktima dahil madilim na ang lugar.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read
Sabi ni Obon 2013 pa raw nang huling makapunta roon ang suspek habang inamin raw dito ni Christine na doon ito dinadala ng mga naging nobyo.
Hindi raw nagustuhan ng suspek ang pagku-kwento ni Christine tungkol sa mga dati nitong nobyo.
Nagsimula na raw silang mag-away nang pilitin ng suspek na makipagtalik sa biktima at tinanggihan ito ng dalaga.
Nanlaban raw ang biktima na ikinagalit ng suspek kaya pinagsasaksak na nito si Christine.
Dahil sa matinding pagnanasa, itinulak na raw nito si Christine pahiga ngunit nanlaban pa rin ang biktima kaya naman sinaksak niya muli ito sa leeg.
Nang subukan na raw nitong gahasain ang biktima ay nawalan daw ito ng gana nang mapunang wala ng buhay si Christine.
Ang gunting rin ang ginamit nito para talupin ang balat sa mukha ng biktima at hindi raw ito gumamit ng asido.
Itinapon raw ng suspek ang balat at bag ni Christine sa isang malapit na basurahan.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!
Source: KAMI.com.gh