BFF Goals! 7 Strongest friendships ng mga Pinoy celebs sa showbiz

BFF Goals! 7 Strongest friendships ng mga Pinoy celebs sa showbiz

Sabi nila mahirap daw makahanap ng totoong kaibigan sa mundo ng showbiz pero tila hindi sa mga Pinoy celebs na ito.

Ito ang kanilang pinatunayan sa ilang taong pagkakaibigan at lahat ng ito ay ibinahagi nila sa kanilang mga social media pages.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang 7 sa mga strongest friendships ng mga Pinoy celebs sa showbiz industry na talaga namang nakaka-BFF goals dahil sa tatag, tibay, totoo, at napaka-sweet.

1. Rachel Anne Wolfe at Dawn Zulueta

Dalawa sa mga dating angels ng yumaong master showman na si German 'Kuya Germs' Moreno sa dating pinakasikat na Sunday noontime show ng Kapuso, ang GMA Supershow, na sina Rachel Anne Wolfe at Dawn Zulueta ay tila nakatatag ng matibay na pagkakaibigan mula noon hanggang ngayon.

Saad pa ni Rachel sa kanyang caption sa isa niyang post last March 16:

"There is nothing on this earth more to be prized than true friendship."

2. Maritoni Fernandez, Lara Melissa de Leon, at Pops Fernandez

Kamakailan din ay naka-bonding ni Maritoni Fernandez ang dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Lara Melissa de Leon at Pops Fernandez sa isang relaxing na cruise.

Ani pa ni Maritoni sa kanyang caption:

"This! A beautiful day on a beautiful yacht with beautiful friends. Thank you Jesus. #beyondblessed #barleyqueen #forevergrateful #amazingfriends #mgartistakami"

3. Aga Muhlach at Lea Salonga

Ang dating magka-loveteam sa pelikula ay ngayon isang matalik ng magkaibigan na sina Aga Muhlach at Lea Salonga.

Sa katunayan, noong birthday ni Aga ay hindi pinalagpas ng world class performer na si Lea ang batiin ito.

Mensahe pa ng international superstar sa kaibigang aktor:

"Happy Birthday to one of my favorite people. Sometime co-star, full time friend. I wish for you everything your heart could ever want! @agamuhlach317"

4. Vice Ganda, Alex Gonzaga, at Toni Gonzaga

Unang naging magkaibigan sina Vice Ganda at Toni Gonzaga sa Kapamilya teleserye na 'Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik,' kung saan gumaganap ang dalawa na magpinsan.

Ilang ulit na nilang itong ibinahagi sa mga interviews sa ABS-CBN shows.

Sa katunayan, present si Vice sa kasal ni Toni noong 2015.

Hanggang nakatrabaho na rin ni Vice si Alex Gonzaga na naging matalik na rin niyang kaibigan.

Kaya naman sa last birthday episode ng Unkabogable superstar at It's Showtime host sa GGV, present sina Alex at Toni Gonzaga.

5. Miles Ocampo at Sharlene San Pedro

Mula Goin Bulilit hanggang ngayon, BFF goals sina Miles Ocampo at Sharlene San Pedro na tinatawag ang isa't isang 'beshie.'

Sa kaarawan ng kaibigan, binati ni Miles si Sharlene at nagbigay pa ng isang sweet message.

Sabi pa ni Miles:

"I love you and I will never leave you. Always, always proud of you.Happy birthday, my beshie beshie."

6. Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri, at Iza Calzado

Hindi din matatawaran ang friendship ng dating mga orihinal na co-stars sa hit Kapuso fantaserye na 'Encantadia,' na sina Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri, at Iza Calzado.

Ayon pa nga kay Iza sa premiere ng kanilang 'Mystified' film:

"Started from Enca now we here! Can’t believe we finally made our reunion project happen. Thanks to everyone who supported the premiere of Mystified last night. Grateful for this opportunity @iflix.ph and to everyone that helped make this happen especially you @direkmark #mystifiedoniflix"

Present din ang tatlo sa beach wedding ni Iza last year.

7. Sharon Cuneta at Hollywoold actor Reggie Lee

Usap-usapan din kamakailan ang picture ni Megastar Sharon Cuneta kasama ang Hollywood actor na si Reggie Lee na kilala sa TV series na Grimm.

Isang napaka-supportive BFF ito kay Mega dahil present talaga ito sa 49th concert tour ng huli at nagbigay pa ng isang sweet at encouraging message.

Kaya naman thankful ang Megastar sa Hollywood BFF niyang ito at nagpasalamat sa isang post.

Ani pa ni Mega:

"I love you my BFF! Thank you for always making time for me!!!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel